IKAW
Apat na letra
Apat na letrang gumagambala palagi sa puso't isipan ko
Apat na letra kung saan umiikot ang aking mundo
Ikaw
Ikaw ang dahilan kung bakit ang labi ko ay palaging nakakurba
Sa bawat segundo na tayo'y nag uusap
Ayaw ko ng matapos pa ang pinaparamdam mo sakin na parang nasa alapaap
Ikaw ang nagsimula at nagpatuloy ng tibok ng puso kong hindi na maawat
At sa tuwing nakikita kita hindi na maaawat...
Sa apat na letra
Doon nagsimula ang apat na salita
"Mahal na mahal kita"
Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula
Hindi ko na napagtanto pang nahuhulog na pala ako sa'yo ng hindi namamalayan
Basta ang alam ko mahal kita
At hindi na importante pa kung paano nangyari
Ang mahalaga ay kung ano ang sa ngayon..
Kasi sa'yo nagsimula ang lahat ng kung anong meron ako ngayon
Ang ngiti na kumakawala sa labi
Ang kislap na umaapaw sa aking mga mata
Ang tibok ng puso kong parang hindi normal sa tuwing nahahagilap ka
Sa'yo nagsimula...
Sa'yo nagsimula ang pag ikot ng mundo kong hindi naaayon sa kaniyang sariling axis
Ang pakiramdam ng may paro parong lumilipad sa loob ng aking tiyan
Ang paglalakad ko ng kusa kapag andiyan kana
Sa'yo nagsimula,
At hindi ko inaaasahang sa'yo din pala magsisimula
Ang una kong pag iyak
Una kong pagdamdam ng sakit, hapdi at kirot ng damdamin
Sa'yo din nagsimula ang mga katagang magpapabago sa aking mundo
Apat na salita na naman ang nabuo
"Hindi na kita mahal"
Sabi ko ayos lang, kaya ko pa naman
Kahit ako lang yung magmamahal Handa akong akuin ang sakit at handa akong sumugal
Pero may kasunod pang mas masakit na salita
"Ayoko na, bitaw na"
Hindi ko akalain
Ang taong pinagsimulan ng lahat ng rason
At ang taong inakala kong magpapatuloy ng pag ikot sa aking mundo
Ay sa huli'y sasaktan din pala ako ng todo todo..
Hinayaan mo akong masaktan at hindi pinansin ang luhang umaagos
Hinayaang mauhaw sa pagmamahal kaya'y naging musmos
Akala ko ikaw, akala ko ikaw..
Ang taong inaasam ko na magpapaligaya sa'kin sa mahabang panahon
Ang taong magpapabago sa paningin ko sa pag-ibig
Ang taong hinahangad ko na habang buhay saki'y yayapos
Ay siya din pala ang tatapos.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017