Habang tumatagal ang panahon
Hindi na naaayon ang agos ng alon
Hindi ko alam na ang damdamin ko'y hindi na pala sigurado
Dahil hindi naman kita nakikitaan ng pagiging pursigido
Oo, sabi mo mahal mo ako at inamin kong mahal din kita
Pero hanggang salita nalang ba 'yun?
Hanggang dun nalang ba talaga?
Sabi natin priority first
Pero tangina, hindi ba ako kasali dun?
Ang sakit lang damdamin
Kasi nanliligaw ka palang pero pinagdududahan na kita kung sigurado kaba, kung desidido ka o seryoso ka man lang
Huwag kang ganyan,
Utang na loob..
Papakiligin mo lang ako tapos, tapos na?
Bobola bolahin, papaulanan ng mga mabubulaklak na salita, tapos 'yun na?
Kakausapin kapag gusto lang
Magpaparamdam kapag nauumay kana..
Alam mo, naiinis na ako sa'yo
Kasi palagay ko, hindi ka seryoso
Mahirap yung sitwasyon nating' to
Pero wala namang masama kung ipaglalaban mo ako o ano..
Kasi iba talaga kapag may kalandian ka
Yung feeling mo, may nagmamahal talaga ng totoo
Yung feeling mo, may tao palang may pakialam sa'yo
Ang sarap lang magmahal
Pero huwag namang ganito
Umamin kalang tapos hahayaan mo lang akong mabitin sa ere..
Pakiusap, panagutan mo ako
Panagutan mo yung umaasa kong feelings
Kausapin mo ako sa kung anong binabalak mo
Linawin mo yung utak ko kung may hindi tama sa iniisip nito
Bigyan mo ng ngiti ang mga labi ko dahil sa mga salita mong magbibigay ng malakas na pintig sa puso ko
Hayaan mo akong mahalin ka
At hahayaan kitang mahalin mo din ako
Hindi yung ganito,
Alam mong mahal kita..
Pero kung hindi mo ipagpapatuloy ang sinimulan mo
Mas maiging tapusin na natin 'to.
![](https://img.wattpad.com/cover/104946046-288-k526337.jpg)
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017