Hindi ko na mawari pa ang lahat ng nangyayari
Hindi ko na mailalantad pa kung sino na nga ba ang nag mamay-ari
Hindi ko na alam,
Kung ako pa ba ang nilalaman niyan o iba na
Wala akong ideya kung ano ba ang naging takbo ng buhay mong kasama ako...
Pagkagising agad na tatakbo sa banyo
Masuring mag aayos
Maglilinis ng tenga, maglalagay ng kolorete sa mukha
Magpapabango na akala mo'y hindi naligo
Pumili ng damit na kintatakutang mahalo sa mga luma..
Ah ito, ay hindi, yan nalang
Hindi ko alam kung aling sapatos ba ang aking isusuot
Sabay lagay ng mga kumikintab na hikaw
Sumuot ng kwentas
Sumuot ng pulseras
Sumuot ng mamahaling relo
Tumingin muli sa harap ng salamin
Ayun! ayos na
Sabay kuha ng telepono at inilagay sa bag
Pagkalabas ng bahay...
Wala akong nadatnan,
Walang ikaw na sumasalubong sa aking dinadaanan
Walang magsasabi ng "good morning" sabay bigay ng mainit na kape panglaban sa malamig na umaga
Walang ngiti na bubuo sa araw ko sana
Wala...
Ahhhhh! Gusto kong gumising na
Ayoko ng makulong sa imahinasyon kong babalik kapa
Ayoko ng paasahin ang sarili ko sa mga bagay na malabo ng mangyari pa
Gising.. kailangan kong masanay
Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa
Kailangan kong magpatuloy sa paglalakad
Pero hindi ko maiwasang mawalan ng sigla
Ang dalawa kong balikat ay nakakurba
May namumuong luha sa aking mga mata
Hindi ko tanggap,
Hindi ko tanggap na maspinili mo siya...
Bakit ka bumalik dun?
Tinapos na niya noon
Ako yung nandito
Siya yung nawala, ako yung nagpakita
Pero bakit siya pa rin?
Bakit? Mahirap ba akong mahalin?
Masakit, hindi ko maipapaliwanag ang aking nararamdaman sa ngayon
Gusto kong sumigaw kasi baka sakali
Kung sakaling babalik kaman sana hindi kana mawawala muli..
Wala akong paki kung pinagtitinginan ako
Hindi naman nila alam kung anong nararamdaman ng taong hindi kailanman pinili, hindi kailanman minahal, hindi kailanman pinag tuunan ng pansin
Pero kailangan kong gumising..
Magigising din ako sa katotohanang 'to..
Paulit ulit kong binibigkas sa aking isipan
"Kaya ko"
"Hindi kita kailangan"
Nakakainis bakit hindi mo masuklian?
Gaano ba kahirap?
Yun lang naman ang hinihiling ko,
Sana hindi kanalang nagpanggap..
Unti-unti na'kong namumulat sa katotohanan
Na kailanman ay hindi mo talaga ako minahal
Na siya pa rin ang nilalaman
Na wala akong panama sa kung anong meron siya
Nagigising na'ko..
Konting timpla lang ng kapeng matapang
Para sa nararamdaman kong lumalaban
Hindi ko na kailangan pa ng gatas para samahan akong lumaban
Kaya kong magsolo..
Buo na ang aking pakiramdam
Wala na akong nararamdaman tungo sa'yo
Pero hindi pa muli bumabalik ang totoo kong mga ngiti...
Ang babaeng pinili, ang palaging nauna
Nakita ko siya..
Umiiyak..
Nagmumukha na siyang tanga na akala mo hindi pa kumakain
Nagmamalik mata ba ako o ang dereksyong tinatahak niya ay patungo sakin?
Hindi ko na namalayan
Hawak-hawak niya na ang kamay ko
Biglang humagulgol
Walang tigil
Nakikita kong bumubuka ang kaniyang bibig kaso hindi ko maintindihan,
Natutulala ako
Mabagal ang nakikita kong pangyayari
Ang pag sambit niya ng bawat salita
Ang pagpatak ng kaniyang mga luha
Ang pag sara ng kaniyang mga pilikmata
Ang pagsusumamo niya at pag mamakaawa sa harap ko
Ang natatanging narinig ko ay "Kailangan ka niya"
Hindi ko alam kung ba't agad akong sumama sa kaniya
Ang alam ko lang ay tumatakbo na ako kasunod sa kaniya...
Papasok sa isang bahay
Hindi ko alam kung bakit nanginginig ang aking mga kamay
Sa bawat hakbang
Sa bawat tunog at kalampag
Gusto kong umatras..
Pagbukas ng pinto,
Nakita kita, gusto kong tumakbo palayo
Gusto kong tapusin nalang ang lahat
Nakita kita, ang isang kamay mo ay sinusubukan akong iabot
Maraming kagamitang naka patong sa iyong katawan
Hindi ko kayang panoorin kang may kung ano-anong bagay na nasa ulohan
Ano to.. Hindi ko maintindihan
Lumapit ako sa'yo
May sinasabi ka, hindi ko naririnig
Hindi mo masabi ng maayos
"Mahal kita"
Akala ko naging masaya ka
Kaya pinakawalan kita, akala ko hindi mo ako ipanaglaban
May ibang rason pa pala,
Bakit hindi mo sinabi?
Bakit ka nagpakahirap?
Naiinis ako, Iyak lang ako ng iyak
Yun pala ang huling katagang lumabas sa iyong bibig
Ang tunay na pag-ibig..
Kasabay no'n ang tunog na nagpatigil sa aking mundo
Utang na loob, huwag kang ganyan
Dahil sa narinig kong yun alam kong hindi ko pa kaya ang mag-isa
Sa huling pagkakataon, susubukan kong himiling muli
Kahit ito na yung panghuli
Pakiusap....
Gumising ka....
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017