Isa, isang hakbang para sa pusong nawasak
Isang hakbang para mapalayo sa taong bumiyak
Hakbang na malayo sa sakit
Malayo sa mga pinagdaanang mapait
Isang hakbang na may kasamang patak ng mga luha na nagsisimbolo na ako'y suko na
Dalawa, dalawang hakbang pasulong
Nagdadalawang isip kung ano nga ba ang tamang desisyon
Kahit masakit, hindi kayang iwanan ang taong nanakit
Nagdadalawang isip kung magbibigay pa ba ng isang pagkakataon
At ang lahat ng ginawang masama ay basta basta nalang ibabaon
Tatlo, tatlong hakbang paatras
Iniisip lahat ng mga paraang naging gasgas
Pilit kinakalimutan ang nagbighani ng aking puso
Ang nagnakaw ng puso kong hinayaan ko ding mawala sakin
Kasi akala ko aalagaan niya ito
Apat, apat na hakbang paabante
Hindi ko alam kung dakilang tanga ba ako o ano
Nagdadalawang isip na naman
Di kinakayang labanan ang mga nahuhubog na imahinasyon
Hinahanap hanap pa din ang ipinaramdam mong pagmamahal
Na alam ko sa ngayong wala na kasi para na sa iba ang iyong pagsugal
Lima, limang hakbang paatras muli
Tila aking bang napagtanto na gusto ko ng matapos
Pero hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba to sa huli
Sa limang hakbang
Parang pinatay ko na din ang ating mga pinagsamahan
Nakaraan, alaala pati na rin ang mga kasinungalingan na namagitan sating dalawa
Anim, tila nabuo na ang desisyon sa aking utak at puso
Anim na hakbang papalayo
Papalayo sayo.... paatras, paurong
Hindi na muling maniniwala pa sa iyong mga salita
Dahil isa kang sinungaling..
Magaling magpaikot na parang nahuhumaling
Pito, pitong hakbang patuloy na paatras, papalayo sayo
Ayoko na! Ayaw na kitang makasama, makausap
Ayaw na kitang kasamang bumuo ng mga panibagong alaala
Ayaw nakitang kausap buong magdamag
Ayoko ng mahulog sa'yong mga patibong
Ayoko ng mahulog sa'yong mga pinanggagawa
Ayoko ng mahulog sa'yong mga salita..
Ayoko ng mahulog sa'yo...
Walo, walong hakbang, tuloy-tuloy na
Walo ang bumagsak na luha
Pero luhang may kasamang saya
Kaya ko to, konting hakbang nalang at makakalimutan din kita
Konting hakbang nalang
Mawawala ka na din sa aking puso
Papakawalan ka na ng aking pagkatao na nung una ay naging sabik sa'yo
Malapit na akong mapalayo sa pagiging tanga at martir
Siyam, hindi ko inaasahang maaabot ko talaga ang hakbang na 'to
Hakbang kung saan sigurado na ako
Ayoko na talaga sa'yo!
Hakbang malayo sa nakaraan
Malaya sa kinabukasang kasama ka
Hakbang na hindi ako pipigilang mamulat sa katotohanan
At malapit na... malapit na..
Malapit na talaga kitang bitawan..
Sampo, tapos na..
Hindi na muli kitang makakasama
Wala ka nang halaga
Magsisimula na naman ako sa pagiging masaya at malaya.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017