Nagkakilala tayo ng hindi planado
Nagkabanggaan lang tapos nag usap na
Nagkamustahan, nagtanungan
Hanggang sa isang araw ikaw na palagi ang bukambibig
At hindi ko inaasahan na simula palang ako'y iyo ng iniibig
Akala ko hindi planado, planado mo pala...
Naglipas ang segundo,minuto,araw, at buwan hanggang sa umabot tayo ng taon
Napuno natin ang mga oras ng masasayang alaala
Walang bakas ng kalungkutan ni isa
Basta't magkasama lang tayo
Ayos na, wala ng hihilingin pa..
Lahat ng mga nasa listahan natin
Ay gustong gusto nating abutin at gawin na magkasama
Magkasama sa ilalim ng mga nagniningning na mga bituin
Naglalaro ng kahit ano basta huwag lang taguan ng damdamin
Magkasama sa ilalim ng dagat
Sabay na nagpapaagos sa alon at pinapahalagahan ang lahat
Magkasama sumakay sa mga walang kwentang trip natin sa buhay
Magkasama gumawa ng mga bagay na pupuno sa'tin ng saya at pagmamahal
Gumawa ng mga bagay na susubukan tayo kung hanggang saan ang kakayanin
Pero dapat sabay din nating lulutasin
Kasi alam ng bawat isa na hindi magagawa kapag walang tulong ng isa
Kasi hindi uubra kung iisa lang ang palaging nagdedesisyon
Hindi uubra kung isa lang ang nagmamahal..
Pero isang araw, nag iba ang lahat
Hindi ko alam kung ano pa ba ang kulang
Kung bakit hindi pa sapat
Kung bakit hindi na masaya
Kaya ayun, hindi natin namamalayan
Naglalaro na pala tayo
Taguan..
At habang tumatagal ang panahon
Hindi na umuubra
Hindi na nagniningning ang mga bituin para sa'tin
Kasi tayo'y biglaang lumabo
May kaniya kaniyang dahilan, ginagawa
Kahit ang opinyon ng bawat isa ay hindi pinagkakasunduan
Palagi nalang away, bangayan pero kahit minsan walang sundong nangyayari
Hindi na away-sundo, bangayan-sundo
Parati nalang away, bangayan, away, bangayan
Wala ng patutunguhan
At ang ilang taong napuno ng saya, ng mga di makakalimutang mga alaala
Sa isang iglap
Wala na...
Nagtapos, nagwakas
At sa ilang buwan, taon ang naglipas
Walang balita sa bawat isa
Patuloy na naglalaro ng tagu taguan
At pakiramdam ko kung sino ang unang magpakita
Siya ang magiging taya
Siya ang magtataya ng kaniyang damdamin
At hindi sigurado kung siya din ay hahanapin...
Lahat ng sakit, dinanas
Lahat ng luha ay akala ko mauubos pero hanggang ngayon ay hindi pa natutuyo at patuloy na umaagos..
Habang naglalakad ako
Hindi alam ang paroroonan
Napagtanto kong ikaw pa rin..
Kahit na nagtapos na tayo
Gusto kong magsimula muli na kasama ka..
Hindi ako makatulog sa gabi kasi ikaw lang ang palaging iniisip at iisipin
Hindi makakain ng maayos
Hindi makausap
Hindi na muling ngumingiti
At kung ngingiti man
Ngiting mapait lang ang kayang ibigay..
Nung una kumikislap ang aking mga mata
Kasabay ng pagragasa ng mga luha kapag ako'y sobrang masaya
Sa ngayon kaya kitang ipaglaban muli
Nag iisip kung anong pwedeng gawin
Handa na akong sumabak sa gyera
Bahala na
Pero hindi ko aakalain
Habang iniisip kita
Biglang sumulpot ka sa aking dinadaanan
Muling kumislap ang aking mga mata kasabay ng pagtulo ng aking mga luha
Luhang masakit at nanghihinayang
Kasi kitang kita ko sa mga mata mo at sa labi mong humuhulma ng ngiti
Na hindi mo na ako kailangan
Ngayong nakita kita kasama mo ang iyong kasintahan..
Masakit kasi kung kailan handa na ako
Yun pala, nauna ka na talagang sumuko
Pero ikaw pa rin talaga, ikaw pa rin..
Sa aking pagkurap
Pagbukas ng aking mga talukap
Mas masakit ang nakita ko
Parang tinutusok ang aking puso
Masaya ka na nga..
May batang tumatakbo kasunod sa inyong likuran
At patuloy na dumadaloy ang aking luha
Walang awat, hindi mapipigilan kasi ikaw pa rin talaga..
Masaya kayo, masaya ka
Kasi yung hinahangad nating pamilya
Ay nakamit mo pero hindi ako ang kasama.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoesíaBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017