KAPIT

687 23 2
                                    

Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nadatnan
Pagmamahal sana na saki'y nakalaan
Minahal kita, mahal pa rin pala kita
Alam ko na kahit matagal tagal na, di ka pa rin nawawala dito...
Dito, dito, dito mismo sa bandang gitna
Sa gitna na punong puno ng katangahan na dati ay nagmamahal lang naman ng walang hanggan
Oo, alam ko, dito, dito mismo sa bandang ulo ko
Sa matigas na ulong to na nagsilbing tirahan mo
Dahil madalas kang tumatakbo dito
Alam ko, mawawala 'to, pero di pa ngayon kundi sa tamang panahon
Kasi ngayon?
Mahirap pa, napakahirap, sobrang hirap
Ni maya't maya nga ay 'di na kakayanin
Ni maya't maya nga ay maglalagay na alanganin
Pero alam ko na kahit nawala ka, nagtago, hinanap ko, pero ako'y nabigo
Alam na alam kong nakabitaw kana pero eto pa rin ako, nakakapit
Nakakapit sa walang kasiguraduhang bagay, di alam kung ano nga ba talaga ang hinihintay
Isa lang naman ang hinihingi ko, ang pagbigyan ng muling pagkapit mo
Nakamit nga kita nung una, pero wala eh, nasa huli na'ko,
Kaya eto binitawan na nga, nakakapit pa
Hawak-hawak ko na nga, ngunit nakawala pa
Nabobobo, nalilito, natatakot, nasaktan, hindi pinagbigyan kaya eto naging luhaan
Yung nagsilbing tahanan mo, dito sa puso ko
Inaantay kang muling papasok sa pintuan nito
Sabay sabing nagsisisi ka sa pagbitaw mo ngunit,
Ngunit malabo na, malabo ng kumapit kapa
Tumakas nga ba? At sinibukang makipaglaro sa iba?
Habang ako'y nakahiga, inaantay na babalik ka ngunit, wala, wala akong nagawa
Kailan mo pa kaya akong matutunang mahalin?
Kasi ako? Sobrang mahal pa rin kita
Hindi mo lang nahahalata kasi ikaw nandoon sa kanila
Naglalaro't nagpapakasaya
Samantalang ako nagluluksa at patuloy na nagdurugo, dahil sa puso kong hinahapo na
Nagdurugo kasi minahal kita at patuloy na magdurugo dahil alam ko, inaantay pa rin kita.
Inaantay... kumapit
Kapit lang, 'di na kita bibitawan
Pero mukhang walang ng pag asa eh, nawalan ng pagkakataon
Pero alam ko sa tamang panahon, darating din at masasabi kong
"Ayoko na, 'di ko na kaya ang pagkapit sa patalim, irog ko, paalam bitaw na'ko kung hindi mo'kong kayang mahalin."

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon