REVERSE POETRY

1.2K 15 1
                                        

Hanggang dito nalang minahal ko
Masakit man damdamin,
Ito lang ang nakikita kong paraang malabo
Mula sa paghihiwalay nating dalawa
Akala ko hahanap hanapin pa kita
Akala ko mali ang desisyon kong bitawan ka

Alam ng lahat kung gaano kita kamahal
Kung paano kita minahal
Saksi ang lahat kung paano tayo nagsugal

Ikaw ay para sa akin
Inakala kong ako ay para sa'yo
Ngunit biglang nag iba ang ihip ng hangin
Akala ko tayo hanggang sa huli
Akala ko ako yung mahal mo
Puro akala lang pala ang lahat

Hindi mo pala ako minahal
Hanggang sa nalaman ko
May iba ka na palang pinagtutuunan ng pansin
Hindi lang pala ako

Parang totoo lahat ng iyong mga ipinapakita
Ako naman tong tuwang tuwa
Sa mga ipinaparamdam mo
May pangiti ngiti pang palihim
May iba ka palang intensyong malagim

Sinasabi ko sa sarili kong ikaw na talaga
Kasi umaasa akong ikaw ang makakasama ko hanggang sa pagtanda
Napapaiyak nalang ako sa tuwing may dala kang bulaklak
Bakas ang mga ngiti sa labing parang mabibiyak
Sigurado akong hindi ikaw ang taong saki'y wawasak.

USAD (FILIPINO POEMS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon