Ngayong ika'y muli na sa akin ay nawala
Hindi ko na alam ang gagawin ko
Kung babalik na naman ba ako sa simula
Pero kadalasan sa kung saan ka nagsimula, doon natatapos
Kaya sabi ko,
Ayoko nang hanapin pa ang kaligayahan ko sa kung saan ko siya nawala
Dahil kung babalik siya
Kusa itong magpapakita
Hindi ka hahayaang mahirapan, masaktan, madapa, masugatan at makaramdam ng kalungkutan
Hanggang umabot na sa punto na hahayaan ka nalang sumuko..
Isa sa mga rason kung bakit tayo palaging nag-aaway bati ay ang pagselos mo
Kasi palagi mong sinasabi na madali kang palitan
Pagkatapos no'n,
Iiyak nalang ako kasi hindi na kita nauunawaan...
Sabi mo noon hindi mo ako iiwan
Tama ka,
Kaya hanggang ngayon, hindi ka pa rin nawawala sa aking puso't isipan..
Kung kailan kailangan kita
Doon ka pa nawala
Naiinis ako sa kung gaano ka kapusong-bato
Dahil natitiis mo akong tignan na nasasaktan at nagdurugo
Kaya sabi ko ulit,
Tama na
At doon na nagsimula ang panibagong kabanata
Kabanata ng buhay kong hindi ka kasama..
Ang tanging hiling ko lang sa'yo
Ay sana maunawaan mo ang pakiramdam ko tungo sa iyong pagkatao
Kasi ni kahit minsan, pakiramdam ko
Hindi mo ako pinahalagahan
Dahil nung nakuha mo na ako
Agad mo na akong pinabayaan..
Siguro nahulog tayo sa maling pagkakataon
Kasi ang pagmamahal ay isang pagpili kung laban pa o suko na...
Isang araw, sa isang pagkurap
Nawala ang lahat
Akala ko hindi na kita hahanapin
Akala ko hindi na ako babalik sa'yo kahit magkamatayan
Akala ko hindi na kita mamahalin
Pero sa isang iglap
Muli ka na namang nahagilap,
Nagkasalubong, tumigil ang ikot ng mundo
Umuulan ng rosas sa kapaligiran
Huminto ang mga sasakyan
Nagtipon ang mga tao at may hinahawakang letrato,
Letrato mo at letrato ko
Mga alaala nating dalawa..
At nagkatugma ang ating mga mata
Lumuhod ka,
Nagtitigan tayo
Pakiramdam ko bumabaha ng pagkakataon ng dahil sa pagtulo ng mga luha ko
Kasi dama ko na ikaw at ako ay muling sasabak sa giyera
At hindi magpapatalo sa kahit anong hamon sa buhay..
Pero hindi pa buo sa aking sarili kung magtitiwala ba ako sa'yo
Baka muli mo na namang basagin ang tiwala ko't puso
Baka...
Pero mali pala ako..
Pinatunayan mo sa'kin na lahat ng imposible ay pwede maging posible
Kaya..
Muli tayong nagkabalikan
Ipinangako mong hindi mo na ako iiwan
At magmamahalan tayo ng walang hangganan.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoesiaBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017
