Bawat tao
Iba iba ang sakit na dinadamdam sa isip man o puso
Bawat pagkatao
Pagkatapos ng sakit na'to
Patuloy na may pumapasok na panibago
Mga sakit na palihim iniinda
Sa bawat pagsubok ng buhay na unti unti kanang tinutumba
Ngunit bilang lakas
Magsisilbing sandigan mo hanggang sa magwakas
Ang tanging pampunas...
Ang tanging pampunas mo ay ..
Ang mga balikat ko
Na handang saluhin
Handang indahin ang bigat ng ulo mo
Para kahit ni konti ay mabawasan din ang bigat ng problema mo
Ang tanging pampunas mo ay ang mga mata ko
Na handang tignan lahat ng nakikita mong mali
Hinding hindi ka aalisan ng tingin kahit sandali
Ang tanging pampunas mo ay ang mga kamay ko
Na handang aluhin ang mga likod mo sa bawat hagulgol na pinapakawalan mo
Sa bawat pagbuhos ng mga sakit na pinaka tago tago mo
Ang tanging pampunas mo ay ang mga labi ko
Na handang magbitaw ng mga salitang magpapagaan sa loob mo
Lalong lalo na sa problema mong tungkol sa inyo ng kasintahan mo.. Kahit na masakit para sa'kin
Sige lang basta sa ikakasaya mo, ayos na ayos lang,
Ayos lang..
At ang tanging pampunas mo ay ang mga tenga ko
Na handang pakinggan lahat ng kung ano mang nangyayari sa inyo
Handa pakinggan kung gaano mo siya kamahal
Kung hanggang saan ang kaya mong isugal
Kung gaano mo siya kayang kapitan at walang balak na bitawan
Kung gaano mo siya ka miss
Kung gaano mo siya gustong sabihan ng mga salitang matatamis
Kung gaano mo siya gustong dalhin sa simbahan at handa ng mabuhay kasama siya hanggang sa pagtanda
Kahit masakit pipilitin ko nalang itatago ang mga pinakatago tago kong lihim
Na kahit ako yung palaging nandiyan
Ni minsan ay hindi mo'ko napansin
Kasi palagi,
Palaging siya na lang ang bukambibig
Na pwedeng marinig sa bawat pintig
Pintig ng pusong umaalingawngaw
Na kahit saan at kailan ay handang isigaw
Isigaw kung gaano...
Gaano mo siya kamahal..
Pero kahit ganyan ka, palagi akong nandiyan sa tabi mo
Sa tuwing kailangan mo ng kaibigan
Dadating ako para magsilbi bilang iyong sandigan
Kahit masakit, okay lang
Kasi....
Ang tangi mong pampunas..
Ang natatangi mong pampunas ay.. ako
Kahit masakit, kung kinakailangan
Pero kung hindi mo na ako kailangan
Ako'y lalayo.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoesiaBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017
