Motibo, yan!
Yan ang unang naglalagay sa'tin sa maling akala
Yung feel na feel mo na yung mga pangyayari ngunit, hindi pa pala
Yung inaantay ka sa bawat pagtapos ng klase mo
Yung kasabay mong kumain
Yung ihahatid ka hanggang sa bahay niyo
Kayang sabayan ang mga walang kwentang trip na nagagawa mo
Yung nagpapadama na mahal ka niya
Yung akala mong sobrang mahalaga ka
Ngunit lahat ng yun ay isang malaking pagpapanggap lang pala..
May mga tao talagang kayang gawin ang lahat para masira ka..
Mawasak ka,
Gagawin kang malungkot
At ang puso mo'y unti unti nang nilulukot
Sa bawat hakbang na ginawa niya
Lahat ng yun ay planado mula simula
Ang bawat galaw, bawat pagpanggap
Lahat ng yun ay puro lang kasinungalingan
Magawa ka lang niyang libangan
Libangan kasi, wala, Siguro trip lang?
Yung mga inaakala mong nandun na sa itaas
Ay unti unti itong bumabagsak
Bumabagsak kasama ang mga luhang gustong sumalampak
Luhang bawat isang patak
Merong sakit na sinisimbolo
Sinisimbolo ng dahil sa mga pananakit mo
Kasi akala mo totoo na, akala mo mahal ka
Kasi ako? mahal na mahal kita
Kaso kung gaano man ako kasaya sa mga oras na 'yun
Yung mga oras na puno lang pala ng pag papanggap
Mas grabe pala ang mararamdaman mong sakit kapag nalaman mong wala ka palang halaga sa kaniya
Kaya iiyak nalang lahat lahat
Balang araw makakalimutan mo din siya
Kasabay ng mga inilikha niyong alaala.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoésieBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017