AYAW KO PA

1.1K 23 10
                                        

Siguro nga kung pwede lang akong hirangin bilang reyna ng katangahan
Hindi na ako magdadalawang isip kung bakit ako'y naturingan
Kasi ako'y nagmamahal lang naman
Kaso, minahal ko yung taong pinapaulanan ako ng sakit
Nilulunod ako sa baha ng kasinungalingang mapait
Pero eto ako, pinipilit pigilan ang pag agos ng mga luha na gustong rumagasa
Sa aking mga pisngi na hindi nababahala
Masakit man, pero tanggap ko
Sa tuwing nakikita kitang may kasamang iba, kapit pa rin ako Naniniwala kasi ako na may pag asa pang mahalin mo rin ang isang tulad ko na itinakda para sa'yo
Kasi pilit ko nalang pinapasok sa kokoti ko na ayaw ko pa, ayaw pa kitang bitawan, pakawalan, at bigyan ng kalayaan..
Bitawan, pakawalan at bigyan ng kalayaan...kahit alam ko na ika'y nasasakal na
Sino ba naman ako?
Isang di hamak na babaeng in'arrange marriage lang naman sa'yo
Pero di mo minahal, ni hindi mo nga ginusto pero agad na pinakasalan..
Pero hindi ako nagsisisi sa ginawa kong desisyon na pag sang ayon sa kagustuhan ng mga magulang natin
Kasi noon palang mahal na kita pero hindi mo'ko napapansin
Kasi sa iba nakatuon ang iyong mga paningin
Pero nung araw na nangyari yon? Labis labis ang mga ngiti na kumawala sa aking mukha
Kasi isang araw ng biglaang pagmulat ng aking mga mata para sa panibago na namang umaga ay may balita na kaagad, balitang...
Hindi ko inaasahan,
Wala talaga akong kagagawan
Siguro pilit ng tadhana na tayo'y pagtagpuin
Susubukan kung hanggang saan ang kaya nating abutin
Pero sa kasalukuyan ngayon, araw araw pinapakita mo sa'kin na wala kang pakialam
Ni minsan hindi mo man lang ipinaramdam na mahal mo'ko ni kahit katiting o kasing liit lang ng langgam
Araw araw pinagdudurusahan ko lahat ng mga binibitawan mong salita..
Lahat ng hindi maganda mong ginagawa..
Pero wala eh! Mahal kita at kaya kong tiisin lahat ng 'yon
Huwag kalang sa'kin mawala..
Kasi akala mo hindi ako nasasaktan
Akala mo wala lang sa'kin lahat ng iyong kagagawan
Akala mo hindi ko napapansin ang iyong mga kagaguhan
Akala mo hindi ko napapansin na palagi mong pinapaalala sa'kin na kasal tayo sa papel at hindi sa mata ng Diyos o kung nino man
Pero mali ka jan!
Lahat ng 'yon pilit kong tiniis, pilit kong tinitiis kasi nga..
Mahal kita..
Na kahit magkaanak kapa sa iba ay kaya kong magbulag bulagan at magbingibingihan
Gagawin ko lahat ng 'yon para sa'kin kalang, akin ka lang at hindi na lilisan..
Sinubukan kong gawin ang makakaya ko
Umakto ako bilang mabuting asawa ngunit ano yung ginawa mo? Sinasadya mong ipakita sa'kin na nambababae ka at nahuli kita, ilang beses na
Hindi umuuwi, hindi nakikipag usap, kung nag uusap man pilit akong sinisisi sa kinalalagyan ng buhay mo,
Ginawa mo ang lahat para lang masira ang kung ano man ang meron tayo na para sa'yo ay wala namang tayo
Ang unfair lang ng mundo...
Kasi bawat araw palagi nalang ako yung pinagdududahan mo na may kinalaman sa kung ano mang naging takbo ng buhay mo, ng buhay natin..
Pinaparamdam mo sakin na may kinalaman ako
Pero sa totoo, wala!
Wala akong alam!
Wala akong ideya na magkakilala pala ang mga magulang natin at matagal na pala tayong ipinagkasundo
Wala! Wala akong alam sa kung anong mang nangyayari at sa kung ano mang pwedeng mangyari..
Ang alam ko lang ay..
Mahal kita, mahal na mahal kita
Hindi ko alam pero handa akong maipit sa pagitan ng langit at lupa
Handa akong maipit sa bagay na walang kasiguraduhan
Handa akong maipit sa desisyon mong iiwan ako pero wala kang kawala kasi dapat pareho tayong magdesisyon
At kahit masakit, ayaw ko pa
Ayaw ko pa, hindi ko kakayanin na ang mahal ko ay mawawala
Mawawala sakin..
Ang natatanging hiling ko lang ay sana.. sana..
Sana'y subukan mo naman akong mahalin, subok lang
Pagbigyan natin ng pagkakataon ang panahon, ang tadhana..
Subok lang, wala namang mawawala At kung hindi nga umubra ang pagsubok mo na 'yon, sabihin mo lang..
Hindi na kita sasakalin sa kagustuhan ko, hindi na rin ako masasaktan sa mga inaasta mo
Hindi kana mabibilanggo sa pagitan nating dalawa na matagal mo nang hinangad na sana'y matapos na
At baka sabihin ko na rin sa' yo balang araw na "mahal papakawalan na kita, bibitawan na kita, malaya kana"
Pero hindi ko inaasahang susubok ka nga
Pero mas hindi ko inaasahan na unti unti kanang namumulat sa katotohanan na pinipilit mo lang labanan ang antok na pilit tinatago ng puso mo na kahit konti man lang ay may pakialam ka din sa damdamin ko
Kaya hinanda ko na yung sarili ko sa kung ano mang maaaring kalalabasan ng pagsubok mong... mahalin ako
Hindi kailangan pilitin pero malay natin diba?
Sinasabi mo lang na walang kang pakialam pero yung totoo meron naman talaga..
Kaya bakas ang ngiti sa puso ko ng dumating na yung araw na matagal ko ding hinihintay..
Akala ko noon tapos na, akala ko sasabihin ko na yung mga katagang "ayaw ko pa, pero susuko na kita"
Pero yung araw na 'yon, di ko makakalimutan ang pagbitaw mo ng mga salitang "Mahal na pala kita, noon pa, kaso natatakot ako pero ngayon handa na akong harapin ang bawat segundo, bawat minuto na mabuhay kasama ka"
Sarap pakinggan, sarap balikan yung mga alaalang hindi nga nagsimula sa mabuti pero nagtapos naman sa saya
Kaya mahal ko, salamat sa pagsama mo sa'kin hanggang sa pagtanda
Salamat sa pagmahal mo't pag aruga
Salamat sa pagbigay ng masayang pamilya
Pamilyang nagparamdam sa'kin ng galak sa puso't isip ko
Na hindi ako hinayaang maging malungkot
Salamat dahil hanggang sa huli mong hininga hindi mo pa rin nakalimutan na sabihan akong "mahal kita, sobra"
Kaya ngayong nasa huling hantungan kana
Kahit na ayaw ko pa, siguro kailangan na kitang palayain na
Kahit masakit, pilit kong sinusubukang lumaban sa mga pagsubok sa buhay..
Pilit kong lumaban na muling mabuhay kahit na ang buhay mo ay nawalan na ng kulay
Pero mahirap kasi ikaw yung nagsilbi na maging buhay ko't mundo
Kaya nung ika'y nawala, pakiramdam ko, unti unti rin akong susuko
Sinta ko, irog ko, mahal ko, magkita nalang tayo muli at sana tayo parin sa huli
Hanggang sa muling pagkabuhay sa bawat sandali.

USAD (FILIPINO POEMS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon