AKO TO

366 6 0
                                        

Pagdilat ng mga mata
Araw-araw ganito nalang palagi, nangangamba
Sa sitwasyon kong to hindi ko alam kung may lalaki pang magmamahal sakin
Kung may tao pa bang handa akong tanggapin..
Bumangon na ako pero hindi ko pala kaya ang tumayo
Kailangan ko ng suporta para mabuhay na naman sa mundo
Kinaya ko, kakayanin ko
Nag simula na akong buksan ang aking cellphone na hindi tumitigil sa pagtunog
Ngumiti ako pero hindi buo na parang nalalamog
Dito, sa mundo kung saan ang totoong ako ay nakatago
Dito ko nararamdaman na may pag asa pang may magkagusto sa aking pagkatao
Kasi lahat ng litrato ko ay malayo sa totoong ako
Ang ngiti
Ang kislap ng mata
Ang kinis ng aking mukha na sa totoong buhay ay hindi naman talaga
Ang manipis kong pangangatawan na kung tutuusin sobrang malapad pala..
Na eengganyo ang lahat sa aking pisikal na anyo
Ngumiti ako dahil minsan lang to
Pero hindi tumatagal at agad na lumalaho
Panandaliang masaya dahil sa likes at papuna ng ibang tao sa pamamagitan ng pagkomento
Pero kahit anong pag bulag bulagan ang gawin ko, hindi ako to...
Tumigil na muna ako sa aking ginagawa
Humarap ako sa salamin,
Pinagmasdan ko ang labi kong maitim
Kabaliktaran ng nasa litrato,
Mapula at mukhang hindi natutuyo
Ang aking mga pilik mata na hindi gaano kalaba
Na kung sa litrato ay magandang titigan dahil sa kaniyang istraktura
Ang aking pisngi na sobrang malaki
Marami kapang makikita na hindi ka talaga mabibighani
Ang mga kilay ko ay hindi pantay
Pero kung nasa ibang mundo ako marami ang humahanga na akala mo'y ito'y aking sinusuklay
Ito ako, ang totoong ako...
Hindi pa natatapos do'n
Sabayan pa ng aking malalaking bilbil
Na kung sa harap sobrang nakakagigil
Ang maitim kong balat
Na sa litrato ay kasing puti ng mga artistang hindi naliligo sa dagat
Pero, ito ako, ako to..
Muling tumunog ang aking cellphone
May nakita akong mensahe galing sa isang lalaki
Sumilay na naman ang kurba sa aking bibig
Dahil minsan pakiramdam ko'y ito na ang pag ibig
Agad akong nag tipa
At di inaasahan na pinagbigyan mo'ko ng oras mo..
Lumipas ang panahon
Isa ka na sa mga pinagkakaabalahan ko sa buhay
At hindi ko alam kung pareho na ba ang ating nadadama
Araw gabi hindi ako mapakali kung hindi kana nagpaparamdam
Nag aalala ako na baka nalaman mo na ang totoo
Na hindi pala ako ang tunay na nasa litrato
Malayo, sobrang malayo sa totoong ako..
Naka make up,
Naka angle
Samahan pa ng napakaraming filter
Ako yun, Oo,
Pero hindi ko pagkatao yun..
May tumawag at agad kong dinampot
Hindi ko alam kung sino kaya ako'y napakamot
May narinig akong boses
"kita tayo"
Agad akong nanigas sa aking kinatatayuan
Nangangamba, namomroblema
Hindi ako sigurado na kapag nakita mo ako
Hindi mo ako makikilala
Baka hindi mo ako tanggap
Baka sa ating pagharap mag iba ang lahat...
Pero sinubukan kong mag ayos
Bahala na,
Habang papalapit ako sa ating pinag usapan at kung anong oras tayo magtatagpo
Bumibilis ang tibok ng aking puso
Pero ganun din kabagal ang paglakad ko
Nakarating na ako at nag iisip ako kung ipagpapatuloy ko pa to
Aatras nalang kaya ako?
Sabihin ko nagkasakit ako bigla
Sasabihin ko nalang na hindi ako makakarating, emergency
o kaya sasabihin ko nalang "sorry hindi ako handa"
Aahhhhh! Bahala na nga!
Napagtanto ko kasi na parang nililinlang na kita
Na siguro oras na para makita at makilala mo ang totoong ako
Bahala na..
Nakita na kita, nag aantay
Kahit papano pala ay nakabingwit ako ng isang lalaking isa sa mga aking matagal ng hinihintay
Halos perpekto
Yung pormahan
Yung galawan
Mapungay na mata, mapupulang labi, matangos na ilong, mistiso
Matangkad, maganda ang katawan
Bigla akong pinawisan nung nasilayan ko ang pag "kagat labi" mo pagkatapos mong uminom ng kape,
Napalunok ako
Diyos ko! pakiusap tulungan mo ako..
Hindi naglilikha ng tunog ang aking pag lakad
Pumunta ako sa iyong likuran na parang may binabalak
Tumikhim ako,
Hindi lang isa kundi umabot na ito sa lima
Mukha na'kong siraulo pero pasensya na kinakabahan akong talaga..
At yun, naagaw ko na ang iyong atensyon
Lumingon ka kasabay ng pagtagpo ng ating mga mata
At agad kong nakita kung paano nangunot ang iyong noo
"Miss may kailangan kaba?"
Ano daw?! sabi ko na nga ba
Hindi niya ako makikilala
"Ako to"
Nakita ko agad ang iyong pag ngiwi
Nasasaktan ako dahil mukha kang nandidiri
Alam ko namang may posibilidad na magkaganito
Pero hindi ko maiwasang masaktan ng todo
Pinasadahan mo ko ng tingin mula ulo hanggang paa
Gusto ko ng umiyak
Ayoko na!
Tumakbo ako palabas wala na akong pake sa sasabihin ng iba
Takbo lang ako, walang lingon
Agad akong napatigil sa pagtakbo pero hindi pa natitigil ang paghikbi ko
Biglang may humawak sa aking kamay
Hindi ko alam kung ano ng gagawin
Tinignan ko ang ating kamay na magkahawak
Ang higpit ng kapit mo na parang takot ka na mawala ako
Pero hindi, hindi ako magpapadala sa damdamin ko
Tanggap ko naman eh, hindi ako yung tipo ng babae na gugustuhin ng lahat..
Nabigla ako..
Sa isang pagkurap
Nakayakap kana sakin
HI MA LA yata to
Naramdaman ko ang pagdampi ng iyong mga hinlalaki sa aking pisngi
Pinupunasan ang bawat butil ng luhang umaagos
"Gusto naman talaga kita, wala sa itsura"
Sabi mo kaya ako napaluhang muli..
May mga mabubuting tao pa palang natitira sa mundo
Isa ka na don, kaya hindi na ako nagdalawang isip
Sabay tayong napangiti
Habang nakatingin sa bawat isa
Sa ilalim ng araw
Sa gitna ng daan
Ito na talaga ang tunay na saya
May sinabi ka kaya ako napamangha
"Matagal na kitang pinagmamasdan sa malayuan, sa wakas na kuha na kita ng tuluyan"
Tanggap mo'ko sa totoong ako, sa kung sino ako
Hindi ko na kinailangang magpanggap pa
Hindi ko na napigilan,
Napangiti ako ng buong puso at agad kang hinalikan
"Ako talaga to".

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon