MAGMAHAL KA

447 5 0
                                    

Sino ba ang hindi nagmamahal?
Lahat naman tayo diba,
Masarap magmahal kaso kakambal nito ang kabaliktaran
Ang sakit..
Magmahal ka dahil isa ito sa pinaka the best na feeling na mararamdaman mo
Hindi ito masusuklian ng kahit ano..
Huwag kang matakot magmahal dahil lang sa mga nakikita mo
Huwag kang matakot magbigay ng pagmamahal dahil lang sa mga pinagsasabi ng ibang tao sa'yo
Huwag kang maniwala sa iba
Maniwala ka sa sarili mo,
Maniwala ka sa kung ano ang tinitibok ng iyong puso
Huwag kang magpatangay sa inuutos ng isipan
Dahil kailanman hindi nadidiktahan ng isip ang puso, kailanman hindi pa nananalo ang isip kaysa sa totoong nararamdaman mo
Kaya lang,
Ang pagbibigay ay hindi kailanman hinihingan ng kapalit kaya huwag kang umasa na mahalin ka niya pabalik
Normal lang ang masaktan pero hindi yun rason para bumitaw kana sa kung anong meron kayo..
Dahil kapag nasasaktan ka
Alam mo, alam mong nagmamahal ka
Matuto kang masaktan upang matuto kang magmahal....
Ang hindi ka mahalin,
Ang hindi ka seryosohin,
Ginagawa kang tanga,
Ipinagpalit ka sa iba,
Ang iyong pag iyak
Na puro sakit at hapdi ang dinadala ng bawat patak
Ito ba ang mga dahilan kung bakit ayaw mo ng lumaban?
Takot kang magmahal dahil akala mo manloloko ang lahat ng tao sa mundo?
Takot kang masaktan dahil ayaw mong maiwan?
Pero hindi yun rason para hindi ka magmahal
Masarap magmahal
Magmahal ka..
Magmahal ka hanggang sa mawala ka sa lugar kung saan mo makikita ang toong ikaw
Magmahal ka dahil hindi ikaw ang talo sa larong winakasan nila
Nagmahal ka, minahal sila pero hindi sila kontento at naghanap ng iba
Magmahal ka hindi dahil mahal ka niya kundi magmahal ka dahil mahal mo siya
Sabihin mong mahal mo siya lalo na't  totoo naman yung nararamdaman mo tungo sa kaniya
Magmahal ka kahit mag umapaw pa..
Pero ang pinakaimportante sa lahat..
Magmahal ka,
Magmahal ka ng walang rason
Dahil dito mo mahahanap ang totoong magmamahal sa'yo.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon