Isang simpleng taong may pangarap
Naghahangad ng pagmamahal ngunit mukhang hindi pa natutupad
Marami ng pagsubok sa buhay ang nalampasan
At sa aking pagkatuto
Hindi ko inaasahang nahuhulog na pala ako sa'yo ng padahan dahan..
Unang araw ng pasukan
Hindi ko inaasahang magiging magkaibigan tayo
Hindi pa tayo nagkakasalamuha ni isa pero palagay ko'y kilala na kita
Magkaibigan..
Habang tumatagal ang panahon
Umiiba ang pagtingin ko sa'yo
Ang ngiti, ang kislap ng mata
Bawat galaw at sa tuwing lumilingon ka
Iba, nag iba ang tugtog ng aking buhay
Sumasayaw sa tuwa ang aking puso't isipan sa tuwing kausap ka
Napapakanta ang aking pagkatao sa tuwing nakangiti ka
Nag iba..
Nag iba ang sayaw ng pintig ng puso ko
Sa tuwing napapa sakin ang atensyon mo
Hindi ko alam, hindi ko na alam
Kung ano na nga ba ang gagawin ko
Pa fall ka daw sabi ng nakararami
At sa tingin ko'y isa ako sa mga biktima na walang pasabi
Hindi ko alam kung bakit ganito kalala yung epekto mo
Iniba mo ang lasa ng tugtog ng buhay ko
Ang dating hiphop lang
Ngayon ay sari saring genre na ang tumutugtog
Depende sa kung anong timpla ang ibinibigay mo sa'kin kaya ako'y patuloy na nahuhulog
Ang pintig ng puso ko ay hindi nagpapahuli
Ang tibok ay nag uunahan upang makasabay..
Makasabay sa tono ng iyong pagkanta
Kahit na alam kong wala tayong pag asa
Makasabay sa kung paano mo ako ituring
Kahit na alam kong hindi matutupad sa huli kong paghiling
Makasabay sa lirikong iyong binibitawan
Kahit na hindi mo pa ako nahahawakan
At para makasabay sa iyong pag headbang
Kahit na walang chansa na ako'y iyong ipaglalaban...
Natatakot ako
Patuloy kong pinapaintindi sa sarili ko na hindi magiging tayo
Isa kang pa fall
Pero bakit ako?
Hindi ko talagang maiwasan na magtanong kung ano nga bang meron ka
Kung bakit hindi ka matitiis ng iba
Kung bakit hindi kita natitiis
Bahala na..
Wala na akong ideyang naiisip pa
Sasabay nalang ako sa tugtog na masasayawan pa talaga
Hanggang sa kung saan aabot ang kantang 'to
Kung magtutugma ba o hindi hanggang sa huling liriko.A/N: This spoken word is dedicated to my beshy paks! Yung nirequest mo eto na agad agad! Hope ya like it! sml
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017