PAMINSAN MINSAN

393 13 4
                                    

May mga tao talagang temporaryo lang sa buhay natin
Hindi nagtatagal, parang napadaan lang
Meron ding mga taong 'di mo inaasahang magtatagal
Titigil, para lang samahan ka kahit pa na hinihingal
Mapapaisip ka nalang talaga hanggang sa puntong..
May mga panahong akala mo ikaw lang yung palaging gumugusto
Dahil sa palagay mo'y walang taong sayo'y susuko..
May tao kang ginugusto
Samantalang di mo alam na may tao ding ikaw ang gustong gusto
Di mo lang napapansin
Kasi naubos na ang atensyon mo sa taong hindi ka naman pinapansin
Minsan huwag lang ituon sa isang bagay o tao ang iyong atensyon
Bagkos di mo alam na may tao palang gusto kang pag aksayahan ng luha at sipon
May tao palang umaasa, palihim na nagmamahal, nasasaktan at gumagawa ng paraan para lang makasama ka
Na may tao palang humahanga at nakaka appreciate ng iyong mga ginagawa
Hindi mo lang napapansin kahit palagi mo na siyang kasama..
Pero kung alam mo lang ang sakit na dinadama niya kapag nakikita kang nakatingin sa iba
Habang humahanga ka, mukang inlove
Pakiramdam niya nagmumukha siyang wala panama
Minamaliit ang sarili niya kasi ni kahit katiting hindi mo siya nabigyan ng pagkakataon..
Pagkakataong obserbahan, bigyan ng halaga
Hindi tulad ng taong palagi mong binabantayan
Hindi nilulubayan..
Paminsan minsan, isipin din yung mga taong nagbibigay satin ng importansya
Sila kasi yung taong tunay na nagmamahal
Mahal lang ng mahal kahit madalas ay nasasakal
Sila kasi yung taong gagawin ang lahat
Hindi ka aagawin kundi aantayin kang mamulat
Mamulat sa katotohanan, sa reyalidad
Na kahit anong pagmamahal at paghanga ang ibigay mo sa isa
Nandyan pa rin sa tabi mo ang taong nagbibigay sa'yo ng halaga
Kaya huwag mo nang aksayahin pa
Bigyan mo siya ng pagkakataon...
Pagkakataong maipakita sa'yo kung gaano ka kahalaga sa kaniya
Kung gaano kasikip ang pagkapit niya sa'yo
Kumakapit siya pero hindi ka niya pinipilit na kumapit pabalik sa kaniya
Kumakapit siya at... inaantay ka nalang niyang kumapit ng kusa.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon