PAULIT ULIT

912 23 3
                                    

Nagmula sa mga bato
Maliliit, malalaki
Naririnig ko ang agos ng mga nag-uunahang tubig sa tabi
Ng makaabot sa dulo, ito'y babagsak at makakarinig ka ng dumadagunghong na mga tunog
At nagpapatuloy ito sa matuwid na pagraragasaan na dadaluyan ng mga nahulog
May mga halaman at kaakit-akit na mga bulaklak na sumasayaw sa ihip ng hangin
Hanging sariwa na aking aasam-asamin
Pumunta dito kung ano talaga ang nangyayari sa'king damdamin
Kung bakit bigla bigla nalang sa'yo nagpapaalipin,
Kung aking aalamin
Huwag nalang, baka ako ulit ay masaktan na hindi ko aakalain
Oo! Tama! Ulit!
Narinig mo, ULIT!
Ako'y sinasaktan mo ng paulit-ulit
Puso ko'y naging manhid na sa aking mga sinapit
Kahit anong iwas ko sa katotohanang minahal kita
Putris! Ang sakit!
Oo! minahal kita!
At minamahal pa rin kita at patuloy na mamahalin
Ganon ako tanga, ay mali, sobrang tanga
Pero wala naman akong magagawa kasi puso ko yung nagdidikta
Paulit-ulit ng paulit-ulit, ulit ng ulit
Paulit-ulit mo nalang akong sinasaktan
Pero heto ako ngayon nilalamon ng katangahan
Ewan ko ba?
Hindi ko naman 'to ginusto
Bakit hindi ako makaalis sa sitwasyon na'to?
Ano ba?! Ang hirap!
Napadpad sa lugar na'to sa sobrang iwas sa'yo
Pero kahit saang lupalop ng mundo
Bakit?! Bakit?! Bakit ikaw pa rin ang nilalaman nito?!
Iyak, oo umiiyak ako,
Iyak ng iyak
Eto lang kasi ang alam kong paraan para maghilom ng kahit konti ang iyong mga isinaksak
Puso ay nalilito kung ano ang iyong mga binabalak
Hindi maiwasang isipin kahit paulit-ulit nalang na puso'y sinasapak
Umiiyak ako kasi naaalala ko na naman ang masasayang nakaraan natin
Umiiyak ako kasi hindi na ikaw yung lalaki na nakasama ko mula pagtulog hanggang sa pagkain
Umiiyak ako kasi parang ibang tao na'ko sa iyong mga paningin
At patuloy na iiyak hanggang sa mapagod nako't iiwan ka ng hindi nag-aalanganin
Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko!
Mastanga ka nga lang kasi binaliwala mo yung taong nagmamahal sa'yo ng totoo
Lagi nalang ako yung talo
Yung pesteng nasa dibdib ko kasi gustong magpaloko
Peste! Pesteng dinadamdam, pinapakawalan na nga lang ang mga luhang handa ng sumalampak
Inaantay ko nalang na tumigil na't walang papatak
Pero bakit nga ba sa'yo ako bumagsak?
Tanginang yan! Ginamit mo tong puso ko't iiwanang wasak?
Nag-aantay, eto yung ginagawa ko ngayon
Nag-aantay na mawala na ang putris kong dinaramdam na naka-ahon
Nag-aantay para ilagay ito sa loob kahon at ibabaon
Nag-aantay at patuloy na mag-aantay at handang mag antay sa tamang panahon, yung MOVE ON
Eto! Eto na yung inaantay ko!
At sa wakas ang puso't isip ko'y 'di na nagtatalo
Ang inaantay kong damdamin na maglalaho
Eto na, eto na talaga
Sana'y magtuloy-tuloy na ito
Kahit mag-iba man ang kulay ng buhok ko, alam kong hinding hindi na'ko babalik sa'yo
Kahit maging parisukat man ang hugis ng mundo
Wala na, wala ng pag-asa na babalik pa'ko sa'yo
At hindi ko na gugustuhin pang babalik at babalik pa sa'yo
Bumalik tayo sa simula, mula sa batong maliliit at malalaki
Na parang pagmamahal ko sa'yo
Nagsimula sa maliliit na pag aaway hanggang sa lumaki
Hanggang sa rumagasa ang lahat ng mga luha sa aking mga pisngi
At kapag narating na ang dulo bigla nalang aayaw kasi di na kinaya ang mga nangyayari
Kaya susuko nalang ito at babagsak na walang sasalo at hahawak sa huli
Pero masgugustuhin ko'tong bumagsak na walang sasalo
Masaktan man ako, hihilom lang ito ng kusa na walang iniiyakang tao
Bahala na't mahulog at mabigo
Basta, hindi lang sa'yo ang punta ko.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon