Kahirapan, kakulangan sa edukasyon
Mga nangyayari sa buong Nasyon
Ano nga ba ang kadahilanan?
Puro pangako ni kalahati ay hindi natutupad
Mga pangakong i-aalsa ang buong mamamayan sa kahirapan
Pero nung nahalal na, pati pera ng buong bayan ay nawala na ng lubusan
Bakit ganon yung mga tao?
Kung sa harap, parang mapapabilib ang lahat
Lahat na ng mabubuting salita ay maaaring naisabi na sa kanila
Dahil sa mga nagawa na nila sa bansa
Pero ano nga bang nasa likod?
Na kung tutuusin masmalaki pa ang pwedeng maitutulong
Kaso sarili nila'y pilit na kinukulong sa mga bagay na tinatawag na timtasyon
Kaya nagkakaroon ng korapsyon
Korapsyon..
Ang isa sa mga malalaking problema na kinakaharap na ng ating bansa sa ngayon
Isa sa mga kadahilanan kung bakit hindi umuusad ang pag unlad ng tinaguriang Perlas ng Silanganan
Kung bakit may mga taong naghihirap at nawawalan na ng pag asa
Kung bakit maraming tao ang gumagawa ng krimen ng dahil sa kagutuman at may maipakain lang sa pamilya
Kung bakit maraming nagkakasakit at gustong ng sumuko sa buhay
Kung bakit may mga taong hindi kaya makipag sapalaran sa buhay kasi walang pampatustos sa gastusin
Kung bakit ang mga kabataan ngayon ay unti unti ng nawawalan ng respeto at dignidad
Kung bakit parami na ng parami ang mga kabataang nagkakaroon ng anak... mga anak....
Kasi kinulang sa edukasyon,
Iniisip na wala ng pag asang mabuhay ng matiwasay kasi walang pampatustos sa paaralan ang mga magulang kaya bigla nalang bibigay
Kaya sa pagpapagamit ng katawan inaakala'y sila'y mabubuhay
Hindi na nagdadasal
Kaya nawawalan na ng dangal at nabuburahan ng mabuting asal...
Kailan pa kaya magigising ang mga taong nasa likod nito
Kailan pa kaya nila mapagtanto na ang perang ninanakaw nila para sa sariling kagustuhan at para sa kanilang pamilya ay kapalit
Ang estado at sitwasyon ng pamumuhay ng buong bansa?
Kapag nagpatuloy pa? Paano? Ano?
Paano na ang mga taong umaasa na makapag aral
Mga taong naghahangad ng mabuting trabaho at sahod?
Ano kaya ang kalalabasan ng mundo?
Ano kaya ang mangyayari?
Ngayon palang may patayan ng nagaganap
Paano pa kaya kung lahat na ng tao ay hindi na makapag aral kasi wala ng maipambayad kasi ang pera nila'y nauubos na...
Naubos nang nakawin ng mga taong nasa likod ng lahat na ito
Hindi kaya hindi lang kahirapan ang pwedeng maranasan?
Hindi lang kahirapan kundi... kamatayan
Kung wala sanang korapsyon edi sana walang kahirapan
Lahat matutulungan at di lang yan
Ang buong ekonomiya ng Pinas ay mapapaunlad na din
At ang mga kabataang nabansagan bilang pag asa ng bayan ay hindi mawawalan ng respeto, puri, at dangal
Kundi puro lang karangalan
At ang magpapatuloy sa panibagong pag asa ng buong bayan.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PuisiBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017