PINAGTAGPO PERO 'DI ITINADHANA

398 3 2
                                    

Tahimik na nakaupo sa ilalim ng mga nagkikislapang bituin
Nagmamasid, nagmumuni-muni
Ninanamnam ang bawat oras at nagpapakalunod sa teritoryo ng buhangin
Nagpapakalayo pero patuloy na hinahabol ng mga pangyayari
Ang nag sisilbing ilaw ay ang dilaw na aninag na nagmumula sa buwan
Palihim na nagpapalamon sa kadiliman at naghahangad ng kamatayan..
Tulalang naka tingin sa malayo,
Mag isang lumalaban sa pagkakataong to
Bawat pagkurap ay may luhang kasama
Bawat pagsinghap ay muling may naaalala
Bawat pagdaan ng simoy ng hangin ay mas lalong naghahangad na sana'y may taong yayapos sa akin..
Pero malabo ng mangyari pa
Dahil siguro sa paulit-ulit na rason sa parehong dahilan
Napagod ka..
At heto ako, pinakawalan ka kahit ayaw ko talaga..
Pero 'di mo naisip man lang;
Na kahit sinabi kong umalis ka, ang totoong sinisigaw ng puso ko ay bumalik ka
Na kahit tinataboy na kita, dapat alam mong mas gusto kong lumapit kapa
Sa bawat tanong mong "ayos lang ba?", dapat alam mo kung ano talaga ang totoong sagot kahit na nag 'oo' ako..
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ipaiintindi ko sa'yo
Matuto ka sanang umintindi ng kusa
Matuto ka sanang kumapit ng mahigpit kahit niluluwagan ko na
Oo, minahal kita at hindi mawawala ang pagmamahal na yon
Pero huwag kang umasa na porket mahal kita ay magiging sapat na kahit hindi ka nagsisikap
Huwag kang makampante,
Huwag kang magpakasigurado
Marahil hindi nga mawawala pero baka may makakalamang sa pagmamahal na yon
At isang araw, sa paggising mo ay lumisan na pala ako ng tuluyan
Mag-iiwan ng bakas na dadalhin mo pang habang buhay..
Pero ako 'tong nagpursige
Umintindi
Nakiusap
Umiyak
Pero hindi yon naging sapat dahil ikaw mismo ay hindi nakuntento
Kaya sa huling pagkakataon, ito na ang ireregalo ko sa aking sarili
Sa sampung taon nating pagsasama siguro nga hanggang dito nalang,
Pinagtagpo tayo pero 'di itinadhana
Masakit man pero mahal, masaya akong maging malaya.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon