BANSANG MINSANG NABULOK SA KASAMAAN

736 11 0
                                    

Maaaring nangyayari ang lahat ng ito dahil sa hindi pagkakaunawaan
Paggamit ng pera ay nararapat sa tamang pamamaraan
Politika laban sa mga armadong di kilala
Minsan ng nagbanta
At ngayo'y nag iwan ng isang marahas na alaala
Walang pinipili, matanda man o bata
Yung mga kabataang dapat na nasa paaralan
Ay nirerekrut at pinupuno ng maling bagay ang isipan
Isang lungsod na nawasak
Ngunit buong bansa ang biglang umiba ng tinahak
Maling daan ang patuloy na ginagalawan
Kasama ang pangulo, kawawang mamamayan
Sabi nila, isang bansa lang tayo kaya dapat magtulungan
Ngunit anong nangyayari sa ngayon?
Tayo tayo mismo ang nagpapatayan
Hindi naman sa kinakalaban ang nasa itaas
Pero kahit saang anggulo tayo tumingin, hindi maitatago ang reyalidad
Dapat nating imulat ang ating mga mata para sana sa pag unlad
Kaya dapat ay magkaisa tayo at mahigpit na "humawak-palad"
Lungsod na minsan ng pinagdiskitahan
Nalumpo man
Pero hindi matitibag kaya sa ngayo'y bumabangon ng dahan dahan
Gamit ang panibagong pag asa
Maglalakad patungong matiwasay na pamumuhay kahit silay nakayapak pa
Dala dala ang hapdi ng nakaraan at ang nag dulot ng bumabahang mga luha
At ang mga buhay na nawala kasama ang mga dugong rumaragas
Karanasang tumatak sa kanilang mga puso't isipan
Hindi kailanman makakalimutan.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon