DATI

530 15 0
                                        

Parang kahapon lang ang naglipas
Sariwang sariwa pa rin ang bakas ng nakaraang nag wakas
Hindi pa rin mawala sa isipan
Parang hindi ko pa tanggap kung bakit,
Bakit ang bilis lang ng pagdedesisyon sa'yo?
Kasi ako,
Sukong suko na pero lumalaban pa
Hindi pa ba ako sapat?
Matuto ka namang magpahalaga
Matuto ka namang makuntento
Matuto ka namang magseryoso
Hindi yung puro pangako ka lang pero kadalasan napapako
Tao ako, may damdamin
Nasasaktan
Napapagod man pero lumalaban..
Umaasang magbabago ka
Pero parang laro lang sa'yo ang lahat
Sa bawat patak ng luha mula sa aking mga mata
Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o nasasaktan dahil ako'y malaya na
Sa bawat ngiting kumakawala mula sa aking bibig
Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa umaapaw na kaligayahan o isang mapait na ngiti dahil sa nabigo kong pag-ibig
Sa bawat kislap ng aking mga mata kapag nakikita kita
Hindi ko alam kung nagpapahiwatig ba ito
Kung naka move on na ako o mahal pa din kita..
Nanghihinayang, nasasaktan
May pag asa pa kayang maibalik natin ang dati?
Yung dating masaya lang
Walang luha ng sakit?
Walang ngiting mapait?
Yung sinasabayan mo ako sa lahat ng trip ko sa buhay
Sa kabaliwan, sa katarantaduhan
Sa lahat lahat ng masasayang nangyaring hindi kapa lumilisan sa tabi ko
Pero bakit ngayong hindi na masaya
Bakit bigla kang nawala?..
Sana hindi ka gumawa ng desisyong mag isa
Sana lumaban kapa..
Siguro kung hindi tayo sumuko
Siguro hanggang ngayon mahal pa natin ang isa't isa
Pero madaya ka, naiwan akong nagmamahal na mag isa
Hinayaan mo akong lamunin ng dilim habang ikaw ay nakatawid na ng liwanag
Hinayaan mo akong madapa at iniwanan ng may sugat na hindi basta basta
Hinayaan mo akong maiwan sa ere habang ikaw papalanding na
Hinayaan mo ako...
Hinayaan mo..
At hindi na muling lumingon pa
Dahil sa pang iiwan mong 'yun
Ngayon naghahangad at umaasam pa din ako sa pag-asang,
Magagawan ko pa 'to ng paraan,
Magpapatuloy na hindi na dala dala ang nakaraan
Ang nakaraang mga alaala na naka-ukit saking puso't isipan
Ang dating alaala ay mananatiling alaala
Hindi na muling aasa
At muling mabubuhay
Mula sa iyong pagpatay.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon