Isinilang na walang kamuwang-muwang sa mundo
Sa paglaki unti unti ng nagkakaroon ng mga ideya sa ulo
Pumasok sa paaralan
Ginawa ang lahat para hindi ma dismaya ang mga magulang
Kaso habang tumatagal nakaka sawa na rin..
Kaya naghanap ng mapaglilibingan at hindi ko inakala na ganito pala ang patutunguhan
Hindi ko to hangarin..
Unang beses, hindi ako sigurado sa aking nararamdaman
Pero ayun, tinuloy ko pa rin
Dahil sa tinatawag nilang "curiosity" sa kung ano ang pakiramdam
Unang beses akong nagkagusto pero hindi ko alam na mahahantong pala sa pagmamahal ang pakikitungo ko...
Ang una kong pagmahal
Ang una kong paglabag sa aking mga magulang
Una kong pagsekreto
Ang una kong pagkadama ng minamahal
Pero hindi pala dapat puro tamis lang,
Dapat balanse
At yun din ang una kong pag-iyak
Dahil akala ko galit sa akin ang mundong ninanais kong mapabiyak...
Hindi pa pala tapos
Akala ko ikaw na yung panghuli
Hindi pa pala...
Hinahanap-hanap ko na ang matatamis na salitang nakasanayan ko
Pero hindi ko alam kung kanino ko pa maririnig muli ang mga nawawalang simbolo
Kaya noong may sumubok muli, hindi na ako nagdalawang isip pa
May sinagot na naman akong bago..
Ngingiti na naman ako kasi may bubuo ng araw ko
May taong magpapasaya na naman sakin
May taga sundo
Taga buhat
Taga alaga
Yung pupuno sa pagkukulang na kailangan ko
May nagmamahal..
Pero hindi ko alam kung bakit..
Hindi tayo nagtagal
At muli na naman akong naghanap ng iba
May nakilala ako sa kung saan iba't ibang tao ang nagkakasalamuha
Hindi ko akalaing may makakatipo pala
At hindi ko akalaing may isa pa
Hindi ko alam kung tama pa ba o kung mali na
Sobrang magkaiba kayo
Kaya feeling ko, ang ganda ko
Pareho niyo kong napapasaya
At hindi ko alam kung alin sa inyong dalawa
Nawalan na'ko ng pake
Basta ang alam ko pareho ko kayong gusto
Pakiramdam ko kayo ang pupuno sa pagkatao ko
Sana nga..
Hindi ko na alam ang ginagawa ko
Basta ang nasa isip ko
Takot akong mawalan
Dahil naging parte na yun ng aking pagkatao
"Dalawang nilalang, Dobleng pagmamahal"
Dalawang tao ang pinagsabay ko ng palihim
Sa sobrang takot na baka hindi na ako magkakaroon ng natatanging akin
Gusto ko yung aangkinin ko at aangkinin din ako
Gusto ko yung pakiramdam na;
May tao palang natatakot na mawala ako
Na hindi niya kaya kapag hindi ko na siya gusto..
Ako na siguro yung babaeng damot sa pag-ibig
Pero hindi niyo ako masisisi
Masarap magmahal tsaka ang pakiramdam ng minamahal
Masarap kapag may taong concern sa'yo
Yung may mangungulit, may magtatanong sa'yo kung kumain ka na
May kakausap sa'yo kahit hating gabi pa
Yung may malalabasan ka ng sama ng loob
At higit sa lahat yung may pupuna sa kailangan mo bilang isang tao
Oo, hinahanap hanap ko din yun
Yung mga haplos
Ang bawat pagyapos
Ang pananabik
Sa kung paano humalik...
Kaya walang tumatagal kasi nakukuha na agad,
Wala ng respetong natitira sa aking kaluluwa...
Lumipas ang panahon,
Bumagal ang pag-ikot ng aking mundo
Alam kong yun na ang oras
Oras, para sa pag babagong buhay ko..
Sa bawat ngiti
Bawat kisap ng iyong mga mata
Napahanga mo ako
Nabihag mo na..
Bagong biktima na ba?
Bumalik ako sa aking sarili
Nakakahiya, hindi ako desenteng babae
Paano siya magkakagusto sa tulad ko?
Kilala niya kaya ako?..
Hindi nga ako nagkamali
Hindi mo ako pinansin nung araw na inabangan kita
Dire-deretso ka at hindi nag atubiling lumingon pa..
Marami akong napagtanto,
Siguro, kung kilala niya ako
Panigurado alam niya yung gawain ko
Siguro alam niya yung buong kwento na naranasan ko
Maraming chismis na kumakalat sa paligid dahil sa mga lalaking naikama ko
Nakakahiya,
Nakakadiri,
Nararamdaman ko na rin pati yung pag-iisa
Yung wala kang makausap
Makasama, mapag susumbungan ng problema..
Dahil doon pati yung mahal ko ngayon mukhang hindi ko na makuha..
Bigyan niyo pa sana ako ng isang pagkakataon
Gusto kong magbago
Gusto ko pang magbago
Kaso mukhang hindi ko na mabubura ang dumi sa aking pagkatao.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoesíaBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017