Sa bawat pag agos ng mga kumukutikutitap
Sila ang naghudyat kung saan ba patungo ang pakiramdam ko na parang nasa alapaap
Sila ang saksi sa kung paano ka ngumiti
At sa kung paano ako nagmasid sa likod ng mga matang palihim na nakikiliti...
Sa patuloy na pagdaloy ng kung ano mang nasa pagitan nating dalawa
Walang sino man ang sa palagay ko'y sati'y makakasira
Handa tayong lumaban
Kahit hindi naging maganda ang ating nakaraan..
Kahit na sa mga panahong yun hindi pa tayo sigurado
Kung ikaw na nga ba at ako
Kung handa na tayong sumugal para lang sa pagmamahal na mukhang kailangan pa ng dasal..
Hindi nagtagal unti unti na tayong nahuhulog sa isa't isa
May namamagitan sa'ting kuryenteng dumadaloy mula ulo hanggang paa
Sa tuwing nagkikita,
Sa tuwing magkasama tayo, nag uusap sa ilalim ng mga nagniningning na mga bituin
Sa tuwing magkahawak ang ating mga kamay
Sa tuwing nararamdaman ko yung presensya mo na naghuhudyat ng pagmamahal ng walang humpay
Ikaw lang.. ikaw lang..
Ikaw lang ang tanging nagbibigay mahika sa buhay ko
Lubos kong ikinagagalak na ikaw yung nag silbing magic wand
Nasasabayan mo yung pabago bago ko
Yung ugali kong parang oo parang hindi
Gusto ko, ah hindi na pala
Yung ganito, ganyan, gusto ko neto ayaw ko niyan
Nagsilbing sumbrero,
Wala namang kinalaman sa mahika
Pero sa totoo nakaka engganyo ka
Ikaw yung, "sige hanggang pormahan lang ako pero asahan mo, may sorpresang lumalabas din sa tulad ko"
Nagsilbing ibon
Na sa tuwing nakukulong ako sa isang bagay
Ikaw tong nagpapalaya sa'kin gamit ang isang mahikang kaisipan
Handa akong damayan..
Ikaw ang aking mahika
Nagbibigay sigla sa bibig kong hindi na nasilayang ngumiti pa
Ang nagpunas sa luha kong hindi pa lubusang natapos sa pagpapakawala
Ang mahikang nagbigay halaga sa aking pagkatao at hindi din ako binago,
Hinayaan lang matuto
Ang mahikang nagbigay ng kulay sa matamlay kong mga mata
Na akala ko hindi na ako muling makakakita pa ng pag-asa
Mahikang hinayaan akong makinig ng mga salitang makakatulong para hindi na ako mahirapan pa
Mahikang kumumpleto sa aking kulang na pagkatao..
Mahal kita,
Nag iisa ka lang aking mahika
Kaya hindi na ako papayag pa
Kapag sakin ikaw ay mawawala.

BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017