Bitaw, isang salita na gustong gusto kong gawin
Ang bitawan ang taong sumasaksak at pumapatay sa'king damdamin
Bakit di ko kayang itapon ang kung ano mang meron samin?
At bakit di ko rin siya kayang ipa ihip sa hangin?
Gustong magwala kasi sobrang hirap, mahirap, napakahirap tanggapin
Dito, dito mismo sa bandang gitna mahirap paniwalain
Pakiusap sarili ko, bitaw na, ikaw at ako na mismo ang naglalagay alanganin
Paminsan minsan sarili naman ang pahalagahan at mahalin
Nagbubulag bulagan?
Yan ako ngayon
Di ko lang kasi matanggap na unti unti kanang nawawala kapag ako'y lumilingon
Ikaw, ikaw, ikaw at ikaw nalang ang meron
Ipaglalaban pa sana kita, pero naalala ko ang salitang bitaw kasi ikaw yung nauna, pinalaya mo ako na parang ibon
Para sa'yo handang lumipad ng sobrang matayog
Pero sa hindi ko inaasahan, 'di namalayan, 'di inakala na ako pala'y mahuhulog
Sobrang sakit kasi pinabayaan mo ako at hinayaang maalog
Kaya eto ako ngayon, sumusunod lang sa agos ng ilog
Ibon na napahamak dahil sa isang bagay na walang kasiguraduhan
Naging kawawa kasi inakala niyang siya'y babalikan
Ngunit hindi talaga siya pinagbigyan
Kawawang ibon, binigay lahat ng makakaya pero sa lahat ng ayaw niya yun pa ang ibinalik sa kaniya "kalayaan"
Ayaw niya ng kalayaan kasi tanga siya kaya nagpagulong gulong
Basta sa tao lang na yon, sa mahal niyang yon handa siyang makulong
Pero isang araw, namulat siya, ako sa katotohanan
Nagpapasalamat ako na ako'y nahulog sa pagkakalipad at natauhan
Kasi kung hindi ako naalog, kung walang naalog
Hindi sana ako magigising at isa paring dakilang tanga na nagpapalantog
Salamat, sobrang salamat sa hindi pagsalo
Dahil kung nangyari 'yon hindi ko pa rin masasabi na bibitaw na ako
Minahal kita, nagmahal ka ng iba
Pero wala akong natanggap pabalik kaya ako nag iisa
Kapit kamay, hawak-hawak na nga kita pero talagang sinusubukan mong makawala
Ayos lang ako, ito'y huli na
Paalam, ako'y bibitaw na.

BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017