TALA

497 8 0
                                        

Sa bawat pagkinang
Dala nito'y ibang klase sa pakiramdam
Parang nang aakit
At hindi mawari kung karapat dapat bang sungkitin
O tila isang desenyo lang sa kalangitan
Kapag tinititigan kita
Para bang may dala kang liwanag
At hindi ko na napapansin ang iba, Hindi ko na maaninag..
Pero takot akong sungkitin ka
Hindi ko nga alam kung maaabot ba kita
Mukha kang isang brilyante
Ang iyong pagkutikutitap ay nagsisimbolo na parang isa kang mamahalin na dapat paka ingat-ingatan
Kasi parang isang pagkakamali lang
Ay agad kang mababasag
At hindi kailanman mababayaran o mabubuo pa muli
Kaya takot akong, angkinin ka
Ay hindi! takot akong maha..
takot akong mahal.. mahalin ka
Kasi hindi ako sigurado kung mapapantayan ko ba ang tulad mo
Kung kaya ko pang punan ang wala sa'yo
Ang pagkukulang..
Pakiramdam ko, sa ngayon palang ay wala nakong pag-asa
Hindi kita maabot
Parang ang dami kasi naming sayo'y humahablot
Pero sabi ko sa sarili ko kaya kong mag hintay na kusa ka saking bibigay
Dahil ang tadhana mismo ang nagpapahirap sa atin
Na kahit magdesisyon ka
Wala pa rin kasi nasulat na ng tadhana ang buong kwento ng buhay natin
Yung iba natapos na
Pero may mga pagkakataong gusto niya pang paglaruan
Kaya iniiba ang takbo ng kwento at nagtatapos sa luhaan
Pero ikaw,
Iba ka
Kaya sa ngayon umaasa ako na hindi pa tapos yung storya nating dalawa
Sana ang wakas ay magkasama tayong tumanda..
Sana..
Hindi ko hahayaang mangyari ulit sa'yo ang iyong nakaraan
Oo, alam ko ang buong detalye kung bakit takot ka nang magmahal
Isang kang tala sa kalangitan
Na minsan ng may sumungkit
Pero pinakawalan na may kasamang nakaraang mapait
Alam kong nasaktan ka, nasasaktan ka
Pero wala akong nakita ni sang butil na pumatak sa iyong mga mata
Pero naniniwala kasi ako na
Kapag ang babae ay hindi umiiyak
Hindi ibig sabihin  no'n
Ang puso niya ay hindi nawasak
Kaya alam ko ang pinagdadaanan mo
Nandiyan lang ako sa tabi mo
Nagtatago,
Nagmamasid ng palihim
Handa kang saluhin kung sakali mang hindi mo na kaya pang mag-isa..
Hindi ko alam kung anong gagawin ko
Titingnan ka nalang ba mula sa malayo
O gagawa na ako ng hakbang para mapalapit sa'yo
Kasi gustong gusto na kitang samahan
Sasamahan kita, sasamahan..
Ako yung magpupunas kung sakali mang umiyak ka sa aking harapan
Ako yung aangkin sa lahat ng sakit kung sakali mang susuko kanang saglit
Ako yung makikinig sa mga salitang matagal mo ng gustong iparinig
Ako yung aalo sa'yo sa tuwing may mangyayaring hindi mo gusto
Ako yung iiyak kung sakali mang mawawalan kana ng gana pang umiyak
Ako yung magsisilbing unan mo sa gabi para pagsumbungan mo ng iyong pinakatatagong lihim
Ako lang yung gagawa sa'yo nun
Kasi mahal kita..ng palihim..
Tila tala kung paano kita ituring pero
Ang paghihintay ko nga ba ay iyong tutuparin?
Kasi pabago bago ka
May panahong gusto mong nasa malapit
Pero may mga panahon din na gusto mong nasa malayo
Pakiramdam ko, mas hindi kita abot
Pero kakayanin ko hanggang sa ika'y maging bulalakaw
Na handang mahulog at gumawa ng guho sa mundo kong sa'yo lang umiikot.

USAD (FILIPINO POEMS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon