Sa pagdating ng bagong akala
Akala ko tapos na tayo..
Sa bawat yapak ng pagtakbo ko na papalayo sa'yo
Kasama ang pagbaon ng ating alaala para makalimutan na kita..
Ngunit sa bawat paglingon Nasusulyapan ang kahapon
Ang dahilan kung bakit hindi pa ako nakakaabot sa dulo
Nag aalanganin kung tatapusin ito
Akala ko ayos na tayo pareho sa desisyong tapusin na
Pero sa ngayon, nakikita ko ang sarili ko na pabalik balik pa
At napagtanto kong hindi ko pa tanggap
Kasi ikaw, sa simula palang ay akin ng pangarap
Hindi pa kita kayang pakawalan at palayain
Kasi mamahalin pa kita
Hindi ko pa tanggap
Ang mawala ka sa isang pagkurap
Hindi ko pa tanggap
Ang mawala ka sa isang iglap
Kasi kapag kasama kita pakiramdam ko'y nandun ako sa mga alapaap..
Kaya ayoko pa..
Nawala man ang "tayo"
Pero buhay na buhay pa rin sa puso ko ang pagmamahal ko sa'yo
Kahit na ang "tayo" ay napalitan na ng "kayo"
Kaya kitang ipaglaban
Basta't sabayan mo akong lumaban hanggang patayan
Aminado ako na hindi ko 'to kayang mag isa
Kailangan kita..
Kailangan ko ang ngiti mo
Para sa mga luha kong hindi pa natutuyo
Kailangan ko ang muling pagkislap ng mga mata mo
Para sa puso kong nabigo
Kailangan ko ang iyong mga salita na nagbibigay ng mahika
Para sa pagmamahal ko na nagdurusa
Kailangan ko ang paglaban mo
Para sa una kong pagsuko
Kailangan kita.. kailangan kita
At sana'y marinig ko din sa iyong bibig ang mga salitang kailangan mo rin ako
Nagkamali ako nung una
Mali ang desisyon kong hindi nakipaglaban pa
Kaya sa ngayon, tulungan mo akong muling itama ang pagkakamali na nangyari sa simula
Kasi sobrang mahal kita..
Mahal, utang na loob
Bumalik kana
Para ang "kayo" na hindi mo ginusto
Ay mapapalitan muli ng "tayo".
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017