DAHAS

260 3 0
                                    

Isa ka sa mga taong madalas na kinaiinisan ko
Makalad sa hallway akala mo kung sino
May panyo sa ulo
Palaging naka ripped jeans
May ilang hikaw sa tenga
Iba't ibang borloloy sa katawan
Palaging itim ang pormahan
At aba! ibang klase din ang ngitian
Sa madaling salita, ikaw yung tipo ng lalaki na masakit sa ulo
Palaging pinapagalitan ni maam kasi nakatambay lagi sa kanto
Nagyoyosi, naghahanap ng away...
Gangster..
Oo, palaging bida sa rambulan
At malas ko, sa classroom, katabi kita sa upuan
Gigil na nga ako eh
Palaging nang aasar
Palaging nantitrip
Aaminin ko, sa unang tingin nakakatakot ka
Sa paraan kung paano ka tumingin
Iba yung awra kapag nandyan ka..
Pero napawi ang lahat nung sinimulan mokong kausapin at ibang klase na ang pakikitungo mo
Sa buong klasehan, nasanay nakong halos walang katabi
Papasok ka lang kapag may ipapasang project o di kaya may exam
Parati ko ding nababalitaan na halos araw araw pinapatawag kayo ng principal
Sa gulo na dinudulot niyo, kayo ng barkada mo..
Nakaupo lang ako dito sa hallway
Nagmamasid, nagpapahangin
Bigla kitang naalala, ano na kayang sitwasyon mo ngayon?
Siguro nagbabasag ulo ka na naman
Napailing nalang ako, nakakatawa! Ba't ko ba iniisip yun?
Wala naman akong pakialam ah..
Nakita kita, di ako sigurado pero mukhang papalapit ka sa pinaroroonan ko
Napangiti ka ng bahagya
Natulala ako, "himala, wala ka atang pasa?"
Napakamot ka nalang, sabay upo sa ekstrang espasyo sa tabi ko
Nag uusap tayo, di ko alam pero nagugustuhan ko na yung pananatili mo
Hanggang sa naging ganun na tayo araw-araw
Palagi mokong napupuntahan kung nasaan man ako
Nagdududa na nga ako kung paano mo ako nahahanap eh, siguro sinusundan mo ko?
Lumalalim na ang ating samahan
Hanggang isang araw hindi ko na maitago pa sa sarili ko
Hindi na normal ang nararamdaman ko, delikado na yata to
Hinahanap na kita, palagi ko ng na mimisss ang mga ngiti mo na mukhang sakin mo lang pinapakita ang totoong ikaw
Nalagyan mo na ng kulay ang ibang parte ng buhay ko
At sa palagay ko'y nakita mo na rin ang totoong ako..
Inaantay kita sa ngayon, napapaisip na naman ako
Bigla kang dumating,
Sabi mo may gusto kang sabihin sakin
Bigla naman akong kinabahan, hindi ko alam pero ne eexcite na ako
"wag ka sanang magalit pero, gusto na kita"
Napangiti ako ng palihim dahil sa sinabi mo
"wag sanang magbago ang pakikitungo mo" habol mo pa
Ano pa bang magagawa, edi napaamin na din ako
"gusto din kita" nakita ko sa iyong mga mata ang saya
Niligawan mo ko at di nagtagal sinagot din kita ng "oo"..
Pero may pakiusap ako sayo, sana tigilan mo na ang mga nakagawian mo
Iwas kana sa gulo, para sakin
Para sa atin..at yun ay naging kasunduan natin..
Umabot tayo ng ilang taon
Napuno natin ng pagmamahal, binusog natin ng pagmamahal ang bawat isa
Hindi na kita nakikitang nakikipagbasag ulo
Hindi na nagyoyosi
Hindi na humahanap ng gulo..
Naiparamdam mo sakin na kayang mong magbago
Na kaya mong ibigay sakin ang iyong mundo...
Naglalakad ako mula sa trabaho
May narinig akong sigawan mula sa kanto
May dalang pamalo, naghahabulan, duguan
May nakatalikod na isang lalaki, puno ng dahas ang ginagawa sa isa pang lalaki
Lumingon siya... Lumingon.. At nakita kita..
Akala ko ba ayaw mo na?!
Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo noon?!
Akala ko ba wala ng gulo?!
Ano na naman to?
Hinabol mo ko
Nakiusap ka
Hindi kita sinasagot
Hanggang sa ilang araw na hindi kita pinapansin
Hindi kita sinisipot,
Palagi mo kong sinusundan
Alam kong hanggang sa bahay nandyan kalang sa aking likuran..
Umabot ng ilang linggo, ilang linggo na hindi kita kinakausap
Nabalitaan ko nalang..
Sinugod ka daw sa hospital
Napahagulgol ako, napatakbo ako papunta sa'yo
Nanginginig na'ko sa takot
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko..
Nakita kita, nakahiga, duguan
May luha pero walang galit akong nakita
Pagtingin mo sakin, napangiti ka saglit
Hinawakan ko yung kamay mo, pakiusap lumaban ka
Ayaw pa kitang mawala, hindi ko kaya
Napapahigpit na ng pahigpit ang paghawak ko sa'yo
Kasabay ng pagsambit mo ng katagang "binalikan niya ko, mahal kita" ay ang pagbitaw ng kamay mo
Napahagulgol na lamang ako
Hindi to totoo, kailangan kong gumising sa panaginip na'to..
Tumingin ako sa aking kamay
Nakita kong may sulat kang ibinigay,
Masnapahagulgol ako sa pag iyak,
Hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin ko...
Sabi mo,
"Nagawa ko lang yun para protektahan ka
Nakita ko kasi yung lalaking yun na palagi kang sinunsundan kahit saan kaya nag aalala lang ako baka kasi mapano ka,
Hindi ako makakampante hangga't hindi ko siya nakakausap
Kay gumawa ako ng paraan para matigil na
Sinubukan ko siyang kausapin kaso pinagbantaan niya ako,
Gusto ka niya at kung hindi ka mapapa sa kaniya mas mainam ng patayin ka daw niya..
Kaya gumamit ako ng dahas para depensahan ang sarili ko mula sa kaniya, nagkataon naman na nakita mo ako at hindi na ako nakapagpaliwanag pa, pasensiya na mahal ko. Mag iingat ka palagi, sobrang mahal na mahal kita"
Parang mababaliw na'ko
Ilang araw na din na nagkukulong lang ako dito sa kwarto
Bakit ba kasi nagpadala ako sa emosyon ko
Nagpadalos-dalos...
Ilang araw na din ang lumipas nung inilibing kana
Kaya napagtanto kong puntahan ka..
Nakaupo lang ako dito sa harap ng puntod mo
Hindi ko na namang maiwasan ang pagtulo ng mga luha ko,
Tutuparin ko ang ipinangako ko sa'yo
"Mag iingat ako palagi at mamahalin ko ng lubos ang naging bunga ng ating pagmamahalan ngunit kailangan ko munang magpakalayo layo para sa aming kaligtasan. Paalam mahal"
Sabay himas ko sa tiyan ko at tumayo
Hindi kita makakalimutan, babalik ako dito.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon