HINLILIIT NA MAGKADIKIT

309 9 0
                                    

A/N: This poem was made by me and my friends. Thanks for sharing your writing skills @zenrickparcon @jrobertpullan @jeffpanes!

ps. We didn't intend to write such poem like this. It is just our game within our GC, we did an impromptu which is continuing the hanging part of the poem which one of us gave and let the next person finish the line.

HOPE YOU LIKE IT ANYWAYS!

PINKY PROMISE!

Habang naglalakbay sa kawalan
Nagpapatangay lang sa agos ng ulan
Titig na titig sa'yo
At hindi kailanman magsasawang mahalin ka kahit saang anggulo
Hindi ko alam kung ano ng tumatakbo sa isipan mo
Kaya kahit hindi mo na ako mahal
Andito pa ako,
Andito pa rin ang pagmamahal ko para sa'yo
Pagmamahal na sa iyo nakalaan
At sana ako na lng ulit ang mamahalin mo..
Binalikan ko ang ating mga alaala
Napa isip ako at napatanong kung "maibabalik ko pa kaya ang dating tayong dalawa?" o baka hindi na
Napagtanto ko na di ko pala kaya kapag wala ka
Kaya't kung maari bumalik kana sana..
Kung saka sakali mang bumalik ka,
Mamahalin kita tulad nag dati
At mas hihigit pa kung sakali,
Pero anong magagawa kasi ayaw muna,
Ayaw munang tumakbo sa isa pang karera..
Hindi ko na pipilitin pa
Dahil ang salitang mahal kita ay hindi tanong na kailangan ng sagot,
Alaala nalang ang namamagitan sating nababalot..
Ang huli mong ipinangako
Na hindi mo ako iiwan at hindi mo ako sasaktan na tinapos ng dalawa nating daliri,
At sinamahan ng isang lasong nakayapos na nagsisimbolong hindi ito mapaghihiwalay..
Sa dalawang daliri lang natin ipinangako pero ito'y di inasahang mapako
Kasi inakala ko lahat ng mga pinangako natin ay matutupad
Pero wala,
Nawala lng sa isang pagkurap ang pagmamahal mo sa akin
Kaya't hindi ko na dama, di ko na mahagilap..
Mga pangakong napako at hanggang sa salita na lamang
Maari pa kayang eh balik at kalimutan ang mga masasakit na nag daan?
Handa na kitang muling ibigin
Kung pag bibigyan mo lang sana itong sinisigaw ng puso't damdamin..
Alam mong mahal na mahal kita mahal
Sana ang sugat na ito ay hindi na mag tagal
Pangalan mo lang ang maaring mag pahilum nito,
Ngunit anong magagawa
Tila tuluyan kana talagang nagsawa..
Sa dalawang daliri lamang ay nakabuo tayo ng mga pangakong masasaya
Pero di ko inaasahang magtatapos ito sa patuloy na pag agos ng mga luha
Noon, luhang masasaya lang ang pinapakawalan
Ngunit ngayon na ako na mismo ang iyong binitawan
Sakit at konting hinanakit ang sa aki'y naiwan
Ang dating mga ngiti sa ating mga bibig
Ay tila nagwakas dahil sa hindi mo na pag ibig..
Hanggang dito nalang nga ba talaga?
Pag ibig noo'y pero ngayon ay wala na
Masakit man tanggapin na di na talaga babalik
Ang masasayang araw at ang pagsasama nating kahit saglit
Akala ko kasi, habang buhay na kitang kasama
Akala ko kasi mahal natin ang isat isa ngunit ako lang pala
Akala ko kasi ako lang at wala ng iba
Mali pala, sa simula palang talo na ako sa laro na iyong sinimulan
Inaakala ko ako lng ang mahal mo
Pero hindi..
Hindi..
Kasi may minahal ka rin palang iba
May mga tanong sa aking isipan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagutan,
Bakit?
Bakit pinalitan mo ako?
Nabulag lang ba tayo sa pag ibig?
Kasi para sa akin ang pagmamahal ko sa iyo ay totoo
Kung nabulag lng tayo,
Sana..
Sana di na lang tayo dati na nagkita
Sana hindi lang tayo nagkakilala
Sana di na lang kita minahal
Sana hindi ko nararanasan ang sakit na ikaw lang ang magkakaibsan sa nararamdaman kong ito..
Pero..
Kung tunay man ang pag ibig mo sa akin
Magbabasakali muli ako
Hihintayin kita..
Hihintayin kita hanggang kaya ko pa..
Naalala kopa noon habang naglalakad tayo sa daan
Kinuha mo yung kamay ko, hinawakan at hinalikan
Damang dama ko ang pag ibig mo sa panahong iyon
Pag ibig na akala ko ay mag tatagal sa habang panahon..
Sana lahat lahat na iyon ay bumalik
Kasi mahal na mahal pa kita ng paulit ulit
Sana bumalik,
Ang pagmamahal mo sa akin
Ang lahat ng mga pangako natin sana bumalik sa dati
Sana ay hindi pa nawasak at nasira
Pero sa huling pagkakataon sasabihin ko muli sayo na,
Kaya pa kitang ibigin muli kahit marami na ang hinanakit ko tungo sayo,
Kaya pa kitang patawarin muli
Pero kailan?
Kailan mo pa ako iibigin muli?
Kailan ka pa babalik sa akin?...
Habang nalulunod na ako sa mga tanong na tumatakbo sa aking isipan,
Sa pag papaagos ko sa ulan para hindi mahalata ang pagbagsak ng mga luha
Agad kang nagparamdam
Nakita kita, nakita kita sa dulo kung saan mo ako iniwan
May mensaheng pinapahatid ang pagkislap ng iyong mga mata
Na tila ba isang pagkakataon ang umaantay sa akin habang papalapit sa'yo
Sana, sana tama yung hinala ko..
Napagtanto ko na, napagtanto ko na may pag asa pang bumalik
Ang ating pag ibig na nag simula sa kilig
Gusto kong balikan natin ang ating mga alaalang masasaya
Na kung saan wala pa tayong dalawang problema
Gusto kong maramdaman ulit ang iyong pagmamahal
Ang pag mamahal na hindi na walang katapusan at mag tatagal..
Nagkaroon muli ng kulay
Ang alaalang namagitan sa ating dalawa ay nabura
Hindi na kailangan ng mga salita pa
Ayoko ko ng marinig ang gusto mong ipahiwatig
Dahil ang salitang binitawan mong "mahal kita" ay sapat na
Binago mo ang mundo ko
Ang ikaw lang at ako ay ipanagsama mo,
Pinagsama mong muli,
Tayo..
Kaya wala na akong hihilingin pa kasi "Mahal pa rin naman kita"..
At alam kong hindi magbabago yun..
Kaya kahit nagsimula at nasira man sa dalawang hinliliit
Ay natapos ang ating pag iibigan na magkahawak kamay,
Limang daliri ang mahigpit na kumakapit.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon