PATAK NG ULAN

549 11 0
                                    

Sa aking pagmulat una kong hinanap ang mga bisig mong akala ko'y saki'y nakayakap
Ngunit sa paggising ko'y parang bumalik ako sa aking pagtulog
Nananaginip ba ako?
Kasi hindi na kita mahagilap
Ako'y agad na bumangon at agad kang hinanap
Sa banyo, sa kusina, sa sala
Ngunit wala ka, hindi ka natagumpayang makita ng aking mga mata
Agad akong pumaroon sa kung saan naka lagay ang aking Cellphone
Sinubukan kong tawagan ka
Hindi lang isa, dalawang beses kundi higit pa sa labing lima
Ngunit wala ka, hindi na muling matawagan pa
Hindi ko alam, ba't ganyan ka
Kusang nawawala pero kapag nagsawa na babalik at babalik ka pa din sa'kin
At hindi ko din alam kung bakit ganito ako
Kahit kilalang kilala na kita, bawat kilos mo't ginagawa ay mahal pa rin kita
Kahit na masakit, sobrang sakit ay patuloy pa rin kitang tinatanggap at pinapapasok sa aking tahanan, buhay at maging sa pintuan ng aking puso't isipan..
Ilang beses mo na akong winasak at pinaiyak
Bakit hindi kita kayang hindian?
Sa tuwing bumabalik ka sa'kin, bakit hindi kita kayang talikuran?
Pero ikaw, palagi mo nalang akong nilulubayan..
Sa pagtulo ng aking mga luha, kaliwa't kanan, nag uunahan
Agad kong napansin ang patak ng mga tubig na nagmula sa kalangitan
Ako'y dumungaw sa bintana at agad nagmasid
Siguro, nakiki ayon sa akin ang panahon o kaya'y may mensaheng pinapahatid
Habang ako'y nakadungaw
Hindi tumitigil ang pagbuhos ng aking mga luha
At ganun din ang pagbuhos ng ulan Malakas at handa nakong tangayin at dalhin sa kung saan saan
May kasamang hangin na akala mo'y galit na galit
Sinubukan kong ilagay ang aking isang kamay sa labas ng bintana habang ang isa'y nakakapit
Damang dama ko ang bawat patak ng ulan sa aking palad
Napaisip ako...
Ang bawat patak ay may mahirap na pinagdaanan
Nagmula sa ilalim, pumaitaas at sa huli'y ito'y muling ibabagsak ng hindi pa dahan dahan
Tapos babalik na naman sa naunang proseso
Aakyat, tapos lilinisin sa itaas tapos ibabagsak at babalik na naman sa umpisa sa kung saan siya nagmula
Paulit-ulit ng paulit-ulit
Parang kami lang..
Nagkakamali siya at ako naman ay nagkokonsinte
Nagkakamali siya at muli ko na naman siyang patatawarin
Sa bawat pagkakamali niya ay dadaanin niya lang ako sa malamig na proseso para malinis ang pagkakamali niya tapos babagsak ulit ako
Mahuhulog muli sa'yo..
Sa bawat mali niya, sa paulit-ulit na pagkakamali niya
Ay paulit-ulit ding proseso ang aking mga ginagawa
Papalamigin lang ang utak ko tapos mahuhulog ulit ako
At lahat ng pagkakamali niya ay basta basta ko nalang kinakalimutan
Tapos uulitin na naman niya
Aalis at babalik lang kapag nagsawa na...
Nagdesisyon na akong bumalik sa aking higaan
Ngunit sa hindi ko inaasahan ay nandun na siya't naghihintay
Nasilayan ko ang pagmumukha niyang may ngiti sa labi ngunit ang mata niya'y nagpapahiwatig ng kabaliktaran
Habang ako'y papalapit hinahanda ko na ang sarili ko sa muli mong paghingi ng tawad
"Patawad" sabi mo at agad na pumatak ang aking mga luha
Siguro tama na, ayoko ng maging ulan pa
Nagpakawala ako ng isang ngiting mapait
"Ayoko na, hindi na kita kayang mahalin kung sasaktan mo lang din naman ako ng paulit-ulit".

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon