PILA

277 8 0
                                        

Alam nating lahat na ang pagmamahal ay hindi nasusukat
Kusa itong nararamdaman
Hindi pinipilit
Hindi sinisiil
At kapag ika'y nagmahal
Hindi na niya obligasyong mahalin ka din nang pabalik
Kahit sunggaban mo pa siya ng isang libong halik
Dahil hindi naman lahat ng ibinibigay ay may kapalit..
Marami-rami pa
Nung una palang, alam kong hindi ako nag-iisa
Malayo pa ang linya bago maging ako
At pakonti na ang pag asang namumuhay sa aking dugo
Kabado akong nakatayo
Sapagkat hindi ko alam kung abot ko ba ang nais mo
Kung pasado ba,
Kung gugustuhin mo din ng kusa
At hindi ko mabasa ang iyong isipan
Pero sabi ko,
Hindi kita aayawan
Kasi kapag gusto mo talaga
Gagawa ka ng paraan na makuha siya
Mas mabuti na nga yung kahit luhaan
Pero ayos lang kasi ika'y sumubok
Hindi yung hindi ka na nga nakipaglaban
Susuko kana agad sa laban...
Unti-unti na silang nauubos
Ni isa wala kang nagustuhan..
Iba ka sa lahat
Ikaw yung tipong, isang tingin lang parang nang aakit na agad
At isa ako dun sa mga taong iyong nabighani
Mula sa iyong mga paa hanggang sa kumiskislap mong mga mata
Hindi ko na kaya pang tignan ka nalang
Hindi ako makukumporme kung hindi ako gagalaw
Kaya pumila na ako, nagbabakasakali..
Mabilis na ang paggalaw ng pila
Nagtaka ako kung bakit wala ka pang napipili
Hanggang sa papalapit na ako
at hindi na ako magkanda kalmado
May parte sa aking nagsasabing baka umayaw kana
Baka umalis kana
Baka may napili kana
Pero hindi, patuloy na gumagalaw ang daloy ng pila
Hanggang sa nakita na kita ng harapan
Hindi na kinaya ng aking pag ngiti
Parang titigil ang aking paghinga
Parang napapalibutan ako ng anghel na hindi ko nakikita
At hindi na kaya pa ng aking mga mata na kumurap pa ni isa
Nanginig ako sa bakas ng pag ngiti mo
Hindi ko na alam kung may ipinapahiwatig ba ito o hudyat na tapos na ako
Kaya yumuko ako pero biglang nagkaroon ng kuryente sa pamamagitan ng haplos mo
Pero biglang dumilim ang lahat..
Pagkamulat ng aking mga mata,
Pinikit kong muli ito
Pilit kong kinukurap baka sakaling totoo,
Napangiti ako ng mapait..
Siguro ang panaginip na yun ay nagsasabing siguro oras na,
Oras na para aminin ko sa'yo kung gaano kita kamahal ng malupit
Siguro oras na para malaman mo na iba ang pagtingin ko sa'yo..
Kaya kahit malaba yung pila
Handa na akong sumabak sa giyera,
Hindi man ako sigurado sa bukas, at sa mga darating pa pero..
Sana..
Sana nandun ka pa sa dulo.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon