NUMERO

741 20 2
                                    

Isa, dalawa, tatlo lahat ng numero kaya kong bilangin para sa'yo
Apat, lima, anim gagawin ko ang lahat para sa puso mo ako'y muling maitanim
Pito, walo, siyam sana'y bigyang halaga ang aking mga dinadamdam
Sampo, labing-isa, labing dalawa kung magkulang man ang aking mga daliri sa kamay handang tumulong ang aking mga paa
Kahit ilang numero pa yan, handang bilangin basta't ako'y pagbigyan
Milyon? Hindi sapat para bilangin ang pagmamahal ko na sa iyo'y nakatuon
Isa hanggang bilyon, kakayanin kong bilangin kahit saang lokasyon
Magbibilang, kahit ano mang sitwasyon
Magbibilang, magbibilang ako ng oras at hinding hindi ako aatras
Magbibilang ako ng masasayang araw hanggang mawalan ng ilaw
Magbibilang ako, magbibilang, magbibilang at magbibilang at magbilang hanggang bumalik ka na dito at sasalubungin kita ng yakap ko na hindi naiilang
Kaya lang mukhang malabo na yata na babalik ka pa
Ang tanga ko! kasi binitawan kita, ni hindi man lang nag aalala
Hindi na'ko magtataka kung 'di kana babalik sakin at kung may kasama ka ng iba
Kasi nga! Tanga ako! Sobrang tanga dahil yung tulad mo, pinakawalan ko pa
Huli nang napagtanto'y, sobrang swerte ko pala
'Di inakala na bubusugin mo ako sa pagmamahal at pag-aalaga
Ngayon ay malas na'ko ng dahil sa maling desisyon na pagtabuyan kita
Kaya umalis ka ng bansa na walang pasabi, yun ang huli kong balita
Hinanap kita, Sinubukan kong hanapin ka
Kaya lang sobrang pait ng tadhana, Ayaw ka sa'king ipakita
Bakit ba kasi hindi ko pinakinggan ang mga paliwanag mo?
Edi sana hindi ako nagkakaganito at nagpapraning na parang napapako
Kasi mabilis yung pangyayari na nahuli kitang may kasamang iba
Eto naman ako, pa dalos-dalos sa mga pinanggagagawa
Huli na ng malaman ko ang tunay na dahilan
Sa kasama mo pa mismo ng gabing yun ang nagpaliwanag sa'king harapan
Sabi niya, "nagkakamali ka, pinsan niya lang ako, noong dumating ka sa gabing yun nagkataon na nadulas ako kaya ko siya nahalikan"
Putris! Hinabol kita sa paliparan, Kaya lang hindi na kita naabutan
Sobrang pagsisisi na di ko makakalimutan, di ko na alam ang kahihinatnan
Kaya lang huli na ng makita kitang muli
Biglang tumulo ang mga luha sa'king mga pisngi
Sino ba namang hindi iiyak ng nakakangiwi
Yung minahal mo kasi, yung minamahal mo kasi at di pagsasawaang mamahalin
May karga kargang bata sa pagbalik at masayang nakatingin
Samantalang ikaw, sabik na sabik na siya ay yakapin.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon