Pangako? Madaling sabihin ngunit mahirap gawin
Mga pangakong pinapangako sa taong minamahal na akala mo'y tutuparin
Pero di nagtatagal madalas napapako
Napapakong mga pangako dahil sa relasyong lumalabo
Mga pangako mo sakin na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking puso
Yung mga pangakong hanggang ngayon, inaasahan ko
Kahit na alam kong napako na
Kasi meron ka ng ibang ipinangakuan, na naman,
Na naman kasi hindi ito ang unang beses...
Balikan natin,
Iisa isahin natin yang mga pangako mong napako
"Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko" Haha Tangina mo
"Pangako, sa'yo lang ako" Napaka tangina mo
"Pangako, hindi ako magsasawa sa'yo" Putang ina mo
"Pangako, hindi kita iiwan"
"Pangako, hindi kita lolokohin kahit kailan"
"Pangako,sasabayan kitang lumaban"
"Pangako, hindi kita hahayaan" At "Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko magpakailanman"
Sobrang sarap pakinggan
Yung bawat pantig na iniluluwa na 'yong bibig ay sobrang nakakakilig
Kaso kung gaano man ako natutuwa sa mga oras na' yon
Triple ang sakit na iniinda ko ngayon..
Tama nga sila
Masaya nung una kaso pag huli na, ihanda mo ang sarili mo sa pagsabak sa gyera
Gyera na alam mong talo ka
Kasi nung una palang, hindi kapa sumasabak
Talong talo kana..
Wala parin namang magagawa kasi nagmamahal ka lang naman
Hindi naman kayang diktahan ng isip ang tibok ng puso hanggang kamatayan
Puso na tanga nahuhulog kahit kanino
Kahit nga lang anino mo kilala ko
Pero wala naman akong magagawa kasi ganyan ka talaga
At alam ko sa sarili ko na tama ang desisyon na aking ipapakawala...
Ang bitawan ka
Kasi alam kong hindi ako sasaya
Kaya bahala kang mangako sa iba
Basta't ako? maligaya na.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoezieBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017