HULING PAHINA

406 6 0
                                    

Pagbuklat ng librong makapal
Alikabok kaagad ang mabilis na nagtanghal
Unang papel na blangko na tila ba muling nabuhay sa mundo
Matagal na panahon ng muling nakipagtalastasan
At sa ngayo'y siguro handa na muling lumaban
Sa paglipat, kasunod nito'y mga panibagong yugto na umaabang
Mga hindi inaasahang ganap at kung ano pang mga pangyayari ang nasa hinaharap...
Nagsimula nang magbasa
At sa patuloy na pag agos ng istorya
May naramdaman akong kakaiba
At tila ba aking napagtanto kung nararapat  ba o hindi
Kung tama ba o mali
Kaya sumabay nalang sa agos
Bahala na kung saan to matatapos..
Hanggang sa inabot na'ko ng gabi
Hindi na ako makatulog dahil nag aalala ako sa kasunod na kabanata
Kung ano ba ang mangyayari
Kung patuloy na magiging masaya pa ang mga nagaganap
O kabaliktaran, na baka biglang umiba ang pamamaraan nang pagsulat
Kaya sabi ko, magpapahinga lang ako
Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga talukap
At hangad ko lang sana ay iidlip
Pero unti unti nakong nalulunod sa aking mga panaginip
Nakikita kita kahit na ako'y nakatalikod
Hinahabol mo ako pero mabigat ang pag alsa ng aking mga paa
Sa bawat yapak na aking pinapakawalan
Libo libong luha ang nag uunahan
Hinahapo na'ko pero hindi pa ako susuko
Pakiramdam ko nahihirapan kana din..
Biglaang hindi ko na makita pa,
Biglang lumabo ang pangyayari
Napalibutan ng kulay itim, hindi ko na mawari
Agad akong nagising
Nanglalaghap ng hangin,
Dahil sa panaginip na yon
Pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa
Umabot na'ko sa kalagitnaan
At bigla kang pumasok sa aking isipan..
Aminado akong natatakot ako sa kong anong kalalabasan ng kwento nating dalawa
Pero sana hindi magtatapos na hindi tayo magkasama
Sa muling pagbukas ng aking puso para sa'yo
Alam ko nagdadalawang isip pa ako
Dahil takot nakong muling masaktan
Masaktan sa parehong rason, sa parehong dahilan
Takot akong tapusin mong muli ang kwento nating pinaghirapan nating binuo
Takot akong bigyan mo kaagad ng katapusan ang kwentong aking sinisimulan
Natatakot ako, takot na takot ako
Minsan na akong napunit
At sana hangad ko na kahit may bumasa sa aking muli
Iingatan ako, na kahit natapos nakong basahin
Hindi ako basta basta nalang itatapon o itatabi
Na parang wala lang nangyari..
Sana huwag mo'kong biguin
Dahil matagal na panahon kong pinag ipunan ang aking lakas
Sana hindi na muling bumalik ang mga bakas
Kaya pinagpatuloy ko muli ang pagbabasa
Umabot na'ko sa dulo
Biglang humulma ng kurba ang aking labi
Umiba ang kislap ng aking mga mata
Ito na ang sagot sa aking mga tanong
Siguro hindi ko na bubuksan pa,
Naka sirado na...
Ang huling salita sa huling pahina
"Wakas".

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon