Halos lahat ng tao ay ibinibigay ang gusto ng kanilang minamahal
Walang nag iisip kung meron pa bang natitira para sa kanilang sarili na nagmimistulan ng naging hangal
Sa isang pagsabi lang,
Hindi nag aalanganin
Agad na bibigay at iiyak nalang pagkatapos
Kahit hindi nararapat ay gagawin ang lahat para hindi lang maiwan
Bakit ba halos lahat ay nagbubulag bulagan?
Nagbibingihan?
Yung kitang kita mo na ngang sinasaktan kana ng harapan
Bakit ganun?
Bakit pinipili pa rin natin ang manatili?
Kahit ang sakit sakit na
Yung may mahal na siyang iba pero andiyan ka parin umaasa
Hangad na bumalik ang pagmamahal niya sayo ng kusa
Handang magpabola kahit alam mo namang nandiyan lang siya kapag may kailangan
Pag naibigay mo na, mawawala nalang bigla at tsaka kanalang mahihimasmasan
Tapos aantayin mo nalang ulit kung kailan na naman siya magpaparamdam....
Gusto kong malaman kung ano talagang dinadamdam mo
Kasi gulong gulo na ako
Sana binigyan mo ako ng salitang makaka intindi ng mga galawan mo
Sana man lang nasabihan mo ako nung simula palang na ganyan ka at least hindi na ako magtataka
Sana sinubukan mo munang manatili sa tabi ko
Sana nalaman ko na bago pang tuluyang naging malalim ang pagmamahal ko sayo
Hindi yung babalik kalang kapag nakuha mo na ang gusto mo!
Litong lito nako sa ipinapakita mo
Hindi ko alam na sa bawat pagpatak na pala ng luha ko
Yun din pala ang walang tigil ng pagtawa mo
Na sa bawat pagbaba ko ng aking pagkatao
Patuloy mo na rin pala akong sinisiraan sa kung sino mang kakwentohan mo!
Hindi na nga ako nagrereklamo na mas inuuna mo yung tropa mong mga lasinggero at wala namang naitutulong sayo
Ako yung nandito pero bakit parang ako pa yung dehado?
Hindi pa ba ako sapat?..
Lumipas ang araw nandidito ako sa asoteya
Kung saan inaabangan ko na naman ang muling pagsilay ng iyong pagmumukha
Nagmumukha nakong siraulo
Pero napapraning nako kung muli kapa kayang magpapakita
Kasi baka nakuha mo ng lahat
At napagtanto mong wala kanang babalikan?
Ilang oras nakong nakatitig at nag aabang kung meron bang pumaradang sasakyan sa labas
Pero ni isang busina wala akong narinig
Napapahawak ako ng mahigpit sa aking dibdib
Pakiramdam ko mawawalan nako ng bait
Hindi ko na alam na napapasabunot na pala ako sa aking buhok
Nakasira nako ng gamit dahil sa matinding inis
Tinapon ko yung mga gamit na aking nahahablot
Walang awat
Sunod sunod na pagbagsak
Sinipa yung pinto
Sinuntok ng paulit ulit ang pader hanggang sa dumugo ang aking mga kamay
Kasabay ng pagbagsak ko sa sahig Pero hindi nako nakakaramdam pa ng sakit sa pisikal
Nilalamon nako ng kamanhidan
Napapaisip ako ng kung ano ano..
Kung may iba ka na ba?..
Muli kong papaasahin ang aking sarili
Ah siguro baka may ginawa kalang?
Ah siguro baka may nangyaring masama?
O baka naaksidente kana?!
Hindi ko na alam!
Sa bawat imahe na pumapasok sa aking isipan agad akong nababahala
Natataranta
Umiiyak
Sumisigaw
Nagwawala
Ilang oras pa ang aking hinintay
Wala...
Wala akong natamo sa kahihintay
Sumalampak ako sa sahig
Ramdam ko yung mga bubog sa aking likuran pero hindi ko yun ininda kasi para sakin mas importante ka
Kumain kana kaya?
Ano kayang iniisip mo ngayon?
Ligtas ka kaya?
Sinong kasama mo?
Masaya ka pa ba?
Napapahilamos nalang yung mga kamay ko sa aking mukha
Napatingin ako sa kaliwa
Sa banda kung saan nakalagay ang salamin
Nakita ko ang sarili ko
Lahat naibigay ko na sayo
Oras, materyal, pagmamahal
Walang wala na ako
Nakita ko yung sarili ko
Nakakaawa, hindi ko na makilala pa kung sino ako
Babaeng naghahangad lang naman ng pag-ibig
Pero hindi natamasa kahit sa isang saglit
Napangiti ako ng mapait
Siguro nga oras na para palayain ka nang sa ganon
Magiging maligaya na rin ako at ng matirhan ko naman ang sarili ko
Dahil kung talagang mahal ka ng isang tao
Hindi lang ikaw ang magsasakripisyo.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoesiaBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017
