HINDI SIGURADO

551 11 0
                                    

Alam ko sa simula't sapol
Hindi tayo sigurado sa mga bitawan nating desisyon
ikaw at ako, pinagbigyan ng pagkakataon pero hindi kailanman nagkaroon
Umastang kasintahan pero hindi alam kung ano nga ba'ng namamagitan
Hindi tayo sigurado..
At siguro 'yun yung pagkakamali natin
Nagpadalos dalos sa mga bagay na walang kasiguraduhan
Malayo tayo sa isa't isa
Pero nung una
Damang dama ko pa ang iyong pagmamahal
Na handa mo akong ipaglaban at handa kang sumugal
Hindi tayo sigurado...
Hindi pa tayo nagkita sa personal
Pero hindi ko alam kung bakit tayo umabot sa puntong ito..
Oo, mahal kita, sobra
Pero hindi ko alam kung hanggang ngayon ganun pa din ang nadadama
Hindi ka nagpaparamdam na inakala kong nawalan ka ng gana,
Sa simula palang iniwasan kong magduda
Kung seryoso ka nga ba
Kung totoo lahat ng mga pinagsasabi mo
Kung malaki ba ang pag asa na magkakaroon ng tayo
Kung mahal mo nga ba ako..
Pero ngayon, hindi ko alam kasi hindi tayo sigurado..
Biglang napuno ng pagdududa ang puso't isip ko
Bawat gabi na hindi tayo nag uusap
Maraming mga bagay ang naglalaro sa aking utak
Hindi tayo sigurado..
Hindi tayo sigurado kung ano nga ba'ng patutunguhan nito
Umaasa ako na hindi tayo pinaglalaruan ng tadhana
Kasi hindi ko kakayanin..
Apat na taon, apat na taon na ang lumipas simula nung unang araw na nakilala kita
Apat na taon, yun yung taong binuo natin ng masasayang alaala
Pero sa ngayon, alam kong hindi tayo sigurado..
Kasi malayo ka
Takot tayong harapin kung anong mga pagsubok ang dadaan
Parang ayoko pang sabihin na ayoko na
Pero may parteng nagsasabi na tapusin ko na sana
Hindi ko alam..
Kung ano bang tumatakbo sa utak mo..
Wala tayong oras sa isa't isa
Hindi ko alam kung sinasadya mo bang huwag basahin yung mga mensahe ko
Hindi ko alam kung inaantay mo ako na unang bumati..
Hindi ko alam, hindi ko alam
Pero ang alam ko lang sa ngayon
Hindi na buo ang aking nararamdaman
Hindi tayo sigurado..
Sabi mo manliligaw ka pero hindi ko nadama
Hindi mo ipinaramdam
O ako lang talaga yung may problema
Hindi tayo sigurado..
Hindi pa sapat, sobrang kulang pa
Dahil hindi mo naman ako inaangkin
At pakiramdam ko,
Kailanman hindi ka magiging akin.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon