Lahat na ng uri ng tula ay maaaring naisulat ko na
Pero ni minsan hindi pumasok sa isipan ko ang magsulat ng tula para sa'yo
Tula para sa nagbigay sakin ng buhay, nag aruga, nagpalaki at nagmahal ng lubusan
Kaya ngayo'y siguro ako'y nahimasmasan...
Hindi ko man naipapakita sa'yo kung paano kita kamahal
Kung paano ko pinipahalagahan lahat ng mga bagay na nagagawa mo
Pero di naman talaga maiiwasang mababalikan kita ng mga salita
Mga katagang alam kong nakakasakit sa damdamin mo pero nadala ng galit kaya di inaasahang mailuluwa ng mga walang hiya kong bibig
Pero kahit ano mang sakit at kirot ang nararamdaman mo ay patuloy mo pa ring tinitiis lahat ng mga pinapakita kong 'di maganda
Kailan pa kaya ang huling sabi ko sa' yo ng "nanay ko, i love you"?
Di ko matanto kung kailan nga ba
Kaya bilang anak,
Sorry, sa lahat ng inaasta kong 'di maganda
Sorry, sa pagiging tamad
Kahit na alam kong 'di sapat ang isang sorry lang
Nanay ko, sorry sa lahat lahat
At salamat, salamat...
Nanay ko, salamat sa paggising ng maaga para magluto ng almusal
Salamat sa paglagay ng baon ko
Salamat sa paglaba ng damit ko
Salamat sa paggawa ng mga maliliit na bagay na hindi ko pa magawa
Salamat sa pag intindi
Salamat sa pangaral
Salamat sa malalim mong pagmamahal na kahit sino ay walang makakasisid
Salamat at lagi kang nandiyan
Salamat sa pagsilbi mong sandigan sa tuwing meron akong problema
Salamat sa pag alaga mo sa tuwing inaapoy ako ng lagnat
Salamat ina ko sa lahat lahat
Hindi ko man maisa isa
Hindi mo man alam na pinapahalagahan ko lahat ng ginagawa mo
Pero ina ko, salamat ng marami
Hindi ko alam kung anong kalalabasan ng mundo ko kung wala ka
Hindi ko man masabi sa harapan mo lahat ng 'yon pero sinusubukan kong iparamdam
Nanay ko, mahal kita at di ko kayang mawala ka, hindi ko kakayanin...
Ikaw? Kailan kapa nagsabi ng i love you sa ina mo? Huwag kanang mag sayang ng oras, habang hindi pa huli ang lahat simpleng salamat at salitang "mahal kita ina"
Ayos na para sa kanila.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017