BINTILADOR

718 24 6
                                        

Oo, naging mag on tayo
Yun yung mga panahon na puno ng pagmamahalan, punong puno ng mga kasweetan
Pero isang araw bigla nalang nag off
Hindi ko alam kung paano nga ba nag simula ang storya nating dalawa
Pero nung ika'y kasama anong saya ang aking nadadama, nadama
Ewan, parang bintilador lang
Turn on tsaka walang pasabi bigla nalang turn off
Pero sa totoo lang, ang buhay ko noon ay parang elesi
Paikot ikot lang
Hanggang sa dumating ka sa buhay ko pero ikot pa rin ang kinalabasan
Ikot, ang mundo ko'y sayo na umiikot
Nakakakilig, nakakabaliw
Kasi ikaw yung nagsilbing hangin sa pagkatao ko
Kapag umiinit ang ulo ko sa mga konting bagay lang
Ikaw 'tong otomatik papalamigin kaagad na walang pag-aalinlangan
Ikaw' tong nagsilbing stand sa buhay ko
Naging sandigan ko at ang rason bakit ako'y nakakatayo pa sa kinakaharap kong mga pagsubok
Nag silbing makina na kung wala ka
Hindi ko mapapaandar 'tong isip ko ng maayos
Ng dahil lang sa' yong mga haplos
Hininga ko'y kinakapos
Nagsilbing cover ng elesi
Kinukuha lahat ng alikabok na aking ibinubuga; mga salitang masasakit
Lalong lalo na kung ako'y galit
At ang poprotekta sa'kin para hindi matapon sa kung saan saan
Ewan ko kung bakit natitiis mo yung ugali ko...
Akala ko, mahaba pa, mahaba pa yung pasensya mo
Kaya ako'y napasubo
Akala ko di mo'ko iiwan, akala ko tayo pa rin magpakailanman
Ngunit wala eh, nandidito na tayo sa hangganan
Masakit, nakakalungkot, nakakaiyak
Pakiramdam ko'y
Ako'y nagdurugo, hinahapo, susuko...
Nagdurugo, hinahapo, susuko
Kasi akala ko kaya mo pa
Akala ko hindi ka bibitaw
Ngunit mahal, puso ko'y parang ninakaw
May hangganan din pala yung pagtitiis mo kahit mahal mo'ko
Kaya lahat ng meron tayo ay bigla nalang namatay "turn off" na
Ang makinang nagsisilbing buhay ko'y unti unti na ring nasisira
Kaya ang elesi ay tumigil na sa pag ikot, tumigil nga ang pag ikot ng mundo ko
Ngunit hindi pa rin natatapos ang pag ikot ng mundo ko sa'yo
Pero nawala na yung hangin
Yung nagbibigay sakin ng lamig kapag ulo ko'y umiinit
At ang pagkawala ng takip ng elisi na hahayaan nalang akong masaktan at matapon sa kung saan saan
Nakakahina, pakiramdam ko'y ako'y pinapakawalan
Wala na, wala na
Switch off? Hindi eh
Nasira na...
Sirang sira na
Kung ano mang namamagitan saming dalawa..
Nawalan ng saysay ang aking buhay
Nawalan ng kulay, pero di pa ako bibigay
Siguro may pag asa pa, aasa pa
Hindi ko alam kung kailan nga ba mabubuo muli
Siguro aantay nalang ako hanggang sa maayos at kung gagana pa sa huli.

USAD (FILIPINO POEMS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon