(Ginawa ko po ang spoken word poetry na'to para sa mga taong nasa isang sitwasyon na hindi talaga alam ang tamang pagdesisyon kaya inihahantulad ko ang pagdesisyon sa isang pagtakbo, upang abutin ang kung ano mang nasa dulo, kapag naabot mo na yun, paniguradong may panghahawakan kang desisyon na hinding hindi mo pagsisisihan. Kaya sabay sabay nating abutin ang finish line ng spoken word poetry na'to.)
Sinubukan kong tumakbo
Ngunit nadapa lang ako
Aabutin pa sana ang huling pagtagpo
Ang linyang nag sisimbolo sa katapusang ito
Ngunit hindi ganun kadali
Sa hinaba haba ng tatakbuhin hindi yun maaari
Hindi maaari na hindi tatapusin
Sinimulan, walang urungan
Minahal mo, tapusin mo
Meron talagang mga bagay bagay sa mundo na hindi permanente Nakabilang na dun ang pagmamahal niya sayo na hindi pwede
Minahal mo ng kusa, iniwan ka na parang tuta
Nagmamakaawa na hindi ka bibitawan
Bibitiwan sa pagkapit mo sa patilim
Ngunit binibitawan kana ng palihim
Ninais pa sanang humiling kaso naabutan na ng dilim
Marami ng masasayang nangyari
Mauuwi nalang ba to sa isang alaalang humihikbi?
Kaya hindi ako magpapatalo sa labanang ito
Pero hindi pa ito ang tamang oras sa pagbitaw ko
Mahirap pang umabot sa dulo
Nandidito pa lang ako nakikitakbo
Hindi matapos tapos
Masakit, nakakapagod, hinahapo at patuloy na nagdurugo
Ginagawa ko to para aking mapagtanto kung tama ba o mali na may tayo
Kung tama patuloy na lalaban
Pero paano kung mali? hindi ko alam
Ewan, mahirap magdesisyon
Kasi alam ko nasa huli ang pagsisisi sa mga 'yon
Habang tumatakbo patuloy na nag iisip
Sa mga bagay na nakita ko sa aking panaginip
Mga panaginip na ang mga ngiti sa labi ay hindi nabubura
May isang nagmamahalang pamilya
Kaya lang sa reyalidad na ito ay bigla kang nawala
Mga panaginip ko, malabo na nga ba?
Kasi hindi pa nagsisimula ang laro hindi kana lumaban
Hinayaan mo akong tumakbo upang tapusin ang sinimulan
Sinimulan, hindi lang ako, kundi tayo
Tayo ang nagsimula sa larong ito ngunit..
Ako nalang, ako nalang ang lumalaban na mukha ng matatalo
Matatalo sa pagmamahalang 'to
Ako lang yung lumaban
Kasi meron kanang ibang ipinaglalaban na naging rason na may tatapusin ako,
Tatapusin ko ang kung ano mang nasa pagitan nating dalawa
Ang kumukunekta sa puso't isipan na nauulila
Tatapusin ko, tatapusin ko.....
Malapit na ako sa katapusan kasi unti unti na kitang niluluwagan sa pagkapit ko, na binitawan mo
Sa pagmahal ko, sa pag iwan mo
Sa pag iyak ko, sa pagtawa mo
Sa paglaban ko, sa pagsuko mo at sa salitang minamahal pa kita ngunit ngayon nandidito na ako sa salitang minahal lang pala kita..
Naabot ko na yung dulo
Ang matagal ko ng hinahangad na matatapos ko
Tapos na, tapos na ang pakikipaglaban ko
Ngayon kompleto ng napagtanto
Na dapat ay wala palang ikaw at ako
Move na'ko...
Kaya paalam na, huwag mo sana siyang hayaan na maranasan ang mga pinagdaanan ko
Sabayan mo siyang lumaban sa huli, minahal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/104946046-288-k526337.jpg)
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoesiaBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017