Chapter 1

869 55 32
                                        

+++++

Taxi Cab

Everyone's congratulating me because I won the pageant. Rinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid ko. At hindi magkamayaw ang sigawan ng mga kaibigan at kakilala ko. Nandito silang lahat para suportahan ako sa isang contest dito sa Barangay Tabuc Suba. Napasubo ako dahil na rin sa isang baklang kaibigan ko na mukhang bet na bet ako. Well, I did this for him para matulungan ko siya. Nasa ospital kasi ang Nanay nito at ang Tatay niya naman nasa bahay nila nakahiga habang pinagsusugulan ng mga tao. In short, pinaglalamayan na.

"Kyaaah! Girl, ang galing-galing mo. Hanep ng sagot mo! Small things had a great impact in our society boom!"

Natawa ako sa kanya. I'm happy because I made him smile. Ilang araw na kasing umiiyak 'yan dahil sa pagkawala ng Tatay niya at lalo pang nalungkot ang buhay niya ng maospital naman ang Nanay niya. Ganoon kasaklap ang pinagdadaanan niya ngayon. That's why I'm really persistent to won this pageant even if I am not used to do this.

"Oh," sabi ko sabay lahad sa harap niya ang perang napanalunan ko. I don't need this 'cause I have enough money to sustain my needs. Tulong ko na ito sa kanya dahil tinulungan niya ako sa mga assignments ko sa school. Kaya ko naman sagutan kaso tinatamad nga lang.

"Akin nalang?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako at kasabay no'n ang pagtulo ng luha niya. Niyakap ko siya.

"Tulong ko sa'yo para nadin sa Nanay mo."

Humikbi ito kaya hinagod ko ang likod niya. He's a good friend of mine. Magkaklase kami noon sa Humanities na subject. Siya ang palagi kong kapartner kapag may pinapagawa sa'min si Ma'am. Magaling kasi itong sumayaw at kumanta tulad ko kaya siguro nagclick kaming dalawa. He's also a working student in our school kaya masasabi kong mahihirapan siyang makabangon lalo pa at wala na ang tatay niyang nagbibigay sa kaniya ng baon.

"Salamat girl. Salamat."

"Ssshh. Huwag ka ngang umiyak. Para kang ewan diyan!" sabi ko at pinunasan ang luha niya. Ngumite ito habang sumisinghot-singhot pa. Para siyang bata kung umiyak.

"Pero salamat talaga."

"Don't worry. Halika na puntahan na natin ang Nanay mo sa ospital," I said to him. Nagpaalam kami sa iba pa naming mga kaibigan at naunang umalis. Busy din kasi sila sa pagbo-boy hunting sa mga lalaking nakinood kanina sa pageant.

Pumara ako ng taxi at sumakay kami ni Bryan. Naghalukipkip ako sa gilid habang bumabyahe. Si Bryan naman ay patext-text lang sa gilid. Binalingan ko ng tingin si manong driver at ngayon ko lang napansin na nakasalamin pala ito. Gabi na ah? Nakikita niya pa ba ang dinadaanan niya?

Sino ba kasing matinong tao ang susuot ng sunglasses habang nagdadrive? Siya lang yata! At hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay niya. Kinalabit ko si Bryan at bahagya itong napatingin sa'kin. Nginusoan ko ang driver at nabaling naman ang tingin niya doon.

"Looks familiar," ito ang bulong niya. Huh? Familiar? Hindi naman iyon ang tinutukoy ko eh. Ang tinutukoy ko ang pagsasalamin nito habang nagdadrive!

"Naka sunglasses siya. Hindi ba tayo mabubunggo niyan?" I whispered and I'm sure he heard what I've said to Bryan because he took a glance in the mirror. At tama nga ito, the guy looks familiar but I don't want to assume baka mali lang ako.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon