Chapter 46

296 19 0
                                    

+++++

His story

Hindi pa sumisikat ang araw ay may naririnig na akong nag-uusap sa labas ng kwartong tinutulugan ko. Hindi naman sila maingay pero masyado lang talagang nakakairita ang boses nila. Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama na hindi maintindihan kung ano nga ba.  Kung ano nga ba ang pweding gawin para lang mawala ang mga tinig na iyon sa aking taenga. Parang mga bubuyog na ang sarap pitikin.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong mapabangon sa kama. Naiinis na sinabunutan ko ang buhok ko at kasabay no'n ang pagtingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding.

Ala cinco palang ng umaga, for goodness sake pero gising na sila?Padabog na tumayo ako at lumabas ng kwarto. Hindi na'ko nagulat ng makita ko si Cadris sa sala kasama si Jervy na nagkakape. Nagtatawanan habang nag-uusap. Napaismid ako at bumalik na lamang sa hinihigaan ko.

Napabuntong hininga ulit ako ng malalim. Ala cinco na nang umaga pero hindi parin ako makatulog. Sa isiping dito si Cadris natulog at sa mismong katabing kwarto ko lang, ay para na akong mababaliw sa kaiisip kung bakit pinili niyang magpalipas ng gabi dito. Kaya ako naiinis dahil nagawa nilang makatulog nang mahimbing samantalang ako ay mulat na mulat at kanina pa gustong-gustong makatulog.

I really wanted to sleep now pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay mukha ni Cadris ang nasa isipan ko. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko. Bakit nandito siya? Alam ba ni Erika ang mga pinaggagawa niya? Naguguluhan ako. Akala ko okay na ang huling pag-uusap namin pero bakit ganito? Pakiramdam nagsisimula ulit siyang manggulo.

Napaigtad ako sa kinahihigaan ko ng bigla nalang may kumatok. Tumagilid ako at nagpanggap na tulog dahil natatakot ako na baka siya ang pumasok. Hindi ko na maintindihan ang pagtibok ng puso ko. Naghaharumentado na parang lalabas na sa dibdib ko.

"Alam kong gising ka."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses niya. Damn, bakit siya pumasok?

Kahit sinabi niya iyon, still, hindi parin ako gumalaw at nagpanggap paring tulog kahit na alam kong alam niya na gising ako. Halos hindi ako makahinga dahil alam kong andiyan lang siya sa tabi ko at tinitingnan ako. Hindi ko lubos maintindihan kung ano itong nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako na ewan na natatakot.

"And I want you to listen to my story."

Kahit ayokong marinig ang boses niya ay bukas parin ang taenga ko para mapakinggan siya. Siguro mas mabuti narin ito. Makikinig lang naman ako. Wala parin namang magbabago kahit na ano pa ang sabihin niya. He's damn married now, no one can change that.

"Five years ago, I was damn devastated every time you ignored me. Para na akong mababaliw sa kaiisip kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit palagi mo akong iniiwasan. I am asking myself everyday, what's the problem? Bakit hindi niya na ako kinakausap? Bakit hindi niya magawang tingnan ako? Bakit siya lumalayo?"

Sa bawat salitang binibitawan niya ay naninikip ang dibdib ko. Ito iyong mga araw na napagpasyahan kong iwasan siya para hindi ako mahirapang umalis. Dahil natatakot din ako na baka magalit si Mama sa'kin kapag nalaman niyang nagkabalikan kami.

"Akala ko may problema lang tayo pero nang makita kong may dinala kang lalaki sa classroom. Nandilim ang paningin ko. Kilala mo'ko. I am possessive, what's mine is mine. I tried to calm myself that time. I really tried. Pero hindi ko nakayanan at nasuntok ko siya. Galit ako, sobrang galit ako sayo. Para akong mababaliw sa kaiisip kung paano ka kakausapin tapos magugulat nalang ako na may kasama kang lalaki at magkahawak kamay pa kayo. You hurt me big time. Sobrang sakit at ang lalim ng tama."

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon