+++++
Gangsters
Napahinto ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak para kay Papa. Ngayon kasi 'yong Death Anniversary niya at gusto ko siyang bigyan ng bulaklak.
Isang simpleng boquet of flowers ang binili ko. Hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak ito basta ang masasabi ko lang ay makukulay at mabango.
Mama called me earlier at hindi daw siya makakauwi para bisitahin si Papa. Hindi naman ito ang una kaya hindi na'ko nagtaka. Noon ko pa nahahalata na, ayaw niya talagang umuwi dito dahil nga galit parin siya sa'kin. Because of me Papa died that's why until now, ayaw niya parin akong makita. Kahit sa pagtawag nga minsanan lang. Tatawag lang ito kapag magpapadala siya ng pera or may okasyon.
Nakakalungkot pero anong magagawa ko? I can't bring back the past. And until now, pinagsisihan ko parin ang nangyari noon.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Green Garden, kung saan inilibing si Papa. Hindi ko rin madala ang sasakyan ko kasi wala akong mapagpaparkingan doon. Nasa tabi kasi ng kalsada kaya mas maiging magtataxi nalang ako.
Bumaba ako bitbit ang bulaklak na binili ko. Hapon na at medyo wala gaanong tao pagkatingin ko sa paligid ko. Hindi naman ako natatakot sa multo kasi sa bahay nga ako lang mag-isa e. Natatakot ako sa tao na makakasalamuha ko. Baka kasi bigla nalang akong kidnapin, pagnakawan, o irape. Trending 'yan sa panahon natin ngayon dahil sa mga taong walang magawa sa kanilang buhay.
Napahinto ako sa paglalakad ng maaninag kung may nakatayong tao sa harap ng puntod ni Papa. Hindi naman ako minumulto ng kaluluwa ni Papa. Dahil kilala ko ang lalaking nakatayo doon. Likod palang alam ko na kung sino. It's Cadris Ford Zenberg Montenegro!
What the hell he is doing here? Paano niya nalaman kung saan nakalibing si Papa? At bakit niya ito binibisita? Alam niya bang ngayon ang Death Anniversary nito? Naguguluhan ako.
Nagsindi ito ng kandila at nagsasalita siya. Hindi ko rinig ang sinasabi nito sapagkat masyado akong malayo sa lugar kung saan siya nakatayo. Nandito ako sa tapat ng chapel at sumisilong. Magdadasal sana ako kaso nahagip ng mata ko si Cadris at sa mismong puntod pa ng Papa ko.
Hinintay ko siyang umalis pero umabot na yata ng isang oras hindi parin ito umaalis. Nakatayo parin ito habang nagsasalita ng kung ano. 'Yong kandilang sinindihan niya kanina ay naubos na.
Tiningnan ko ang oras sa watch ko and its almost 5:00 o'clock in the afternoon. My goodness! Anong oras ba siya aalis? Kanina pa akong kating-kati na puntahan si Papa para makipagkwentuhan sa kanya. Pero itong lalaking ito mukhang ayaw akong bigyan ng opportunity na makausap ang Papa ko. Naku naman talaga oh! I have no time to wait until 6:00 o'clock kasi baka wala na akong masakyan pauwi!
Bakit kasi ngayong hapon pa'ko pumunta dito? Sana pala talaga ay nagising ako kaninang umaga ng maaga para nabisita ko ng maayos si Papa at wala pang hustle sa sasakyan.
"Pa, kapag hindi pa po siya umalis ng 5:30, sorry po, bukas ko nalang po kayo dadalawin." Para akong tanga na kinakausap ko ang sarili ko. Ilang beses akong napabuntong hininga.
"Pa, sorry talaga. I can't make it you know!"
Thirty minutes had passed ay hindi parin siya umaalis kaya wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng Green Garden. Padabog ang bawat hakbang ko palabas ng sementeryo kasi naiinis ako kay Cadris. Bakit kasi ang tagal niyang umalis! Nakakainis.
Nasayang ang pagbili ko ng bulaklak. Buti sana kung hindi ito malalanta bukas e sa init ba naman ng panahon ngayon.
"Aish! Kainis talaga!"
BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...