+++++
His Whole Family
Laglag ang panga ko ng makitang nakaabang na ang buong pamilya ni Cadris sa labas ng kanilang bahay. They were outside of their house as if they knew that I was coming. Pagkakita nila sa'kin na lumabas ng sasakyan ay kumunot ang noo nila.
"Hexa?"
"Girlfriend?"
Hindi sila makapaniwala na ako ang sasalubong sa kanila. Akala ba nila ako si Cadris? Oo nga pala, sasakyan niya pala ang dala ko.
"Where is he?" Tita Sy asked. At doon ko naalala na kailangan niya pala ng tulong.
"Tita si Cadris po! He needs help! May mga lalaki pong naghahabol sa'min at pinahingi niya po ako ng tulong sa--"
"Where is he?"
"Sa Tareles po!" sabi ko at mabilis pa sa alas kwatrong sumakay sila sa kani-kanilang sasakyan at pinaharurot ito paalis.
Laglag ang panga ko dahil hindi man lang nila ako hinintay. Talagang nagmamadali silang umalis lahat bitbit ang sampong sasakyan. Yes, ang dami nilang sumugod doon. Hindi lang pamilya niya kundi buong pamilya talaga.
"Iha."
Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Isang matandang babae na may bitbit na baston. Lumabas ito ng bahay kasama ang isang lalaking kamukha ni Tita Sy.
Lumapit ito sa'kin.
"Anong nangyari? Bakit kayo hinahabol?" tanong nito.
"Hindi ko po alam, hindi rin po namin kilala ni Cadris."
"Pumasok ka na muna sa loob. Hintayin nalang natin sila." I shook my head.
"Pero si Cadris po baka-baka anong mangyari sa kanya. Baka po mapahamak siya. Madami po--"
"Sshhh. Kaya na ni Cadris 'yon. Halika muna sa loob."
Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanila. Hinigit din kasi nila ako papunta sa loob. Pero kinakabahan ako para kay Cadris. Paano kung hindi niya kayang labanan ang mga 'yon? Paano kung mapahamak siya?
"Uminom ka muna ng tubig," sabi niya at nagpatawag ng kasambahay na kukuha ng tubig. Tumango lamang ako sa kanya. Kinuha ko sa kasambahay ang isang basong tubig at ininom ito.
"Salamat po."
"Lola Sunny nalang ang tawag mo sa'kin. At Lolo Jeth naman dito sa asawa ko."
Napangiti ako at saka tumango.
"Opo Lola Sunny, Lolo Jeth."
"Wala ka bang ideya kung sino ang humahabol sa inyo?" tanong ni Lolo. Umiling ako. Wala talaga akong ideya kung sino sila.
"Ano nga pala pangalan mo iha?" Lola Sunny asked.
"Hexa Louise Mabaquiao po ang buo kong pangalan."
"Kami naman ang Lolo't Lola ni Cadris."
Kaya pala may hawig si Cadris sa kanila. Ganoon din ang dalawang kambal.
BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...