Chapter 7

413 47 19
                                    

++++

Saved

Katatapos lang ng klase ko ng mapagpasyahan kong pumunta muna sa mall. Hindi naman ako nagtagal kasi wala naman sa Watsons ang hinahanap kong facial wash. Habang naglalakad papuntang parking lot ay hinahalungkat ko ang aking bag. Hinahanap ko kasi ang susi ng aking sasakyan. Nakalimutan ko kung saan ko nilagay pero sa pagkakaalala ko ay nilagay ko lang naman dito sa pouch ko.

"Saan na kaya 'yon?"

Sigurado naman akong hindi ko naiwan iyon sa loob ng mall kasi hindi ko naman bitbit iyon. Kinapkap ko rin ang bulsa ng pantalon ko pero wala din.

Nasa tapat na'ko ng sasakyan ko pero hindi ko parin makita ang hinahanap ko. Kahit kunin ko siguro lahat ng gamit ko ay wala parin akong mapapala. Kinuha ko ang aking cellphone ng may tumatawag dito. Nang tignan ko ay si Phayne. Ano kaya ang problema nito?

"Hello?"

"Hexa! Patulong naman oh!" mangiyak-ngiyak na sabi nito sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko. Ano namang tulong ang kailangan nito?

"Anong maitutulong ko?"

"May dinrawing kasi ako na design ng damit kaso hindi ko alam kung maganda ba. E alam mo naman na frustrated designer ako diba? Gusto ko lang sana hingin ang opinyon mo," sabi nito. And I bet nakangisi ito sa kabilang linya.

Napairap ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. Frustrated ha?! I doubt it.

"Okay fine. Punta nalang ako sa bahay mo."

"Yehey! Thank you girl muah!" she said at hindi na'ko hinayaan pang magsalita dahil mabilis din nitong pinatay ang tawag.

"Tsk. Kahit kailan talaga."

And now, I am back to my problem again. Hindi nga pala ako makakapunta kina Phayne kung hindi ko mahahanap ang susi ng sasakyan ko.

Napahilamos ako sa aking mukha and I stiffened nang maramdaman kong may tumutusok sa bandang gilid ko. Hindi ako gumalaw at panay lang ang lunok ko sa laway ko.

"Hold up 'to," I heard someone said at my back. And I can almost feel his breath in my neck. My body shivered and I am afraid that he will stab me if I move.

"Ibigay mo sa'kin ang bag mo pati narin ang susi ng sasakyan mo. Dalian mo kung ayaw mong saksakin kita dito," he blackmailed me. My throat dried and I can't even enunciate a single word. Damn! Natatakot ako.

"H-here is my bag pero kasi 'yong susi ng sasakyan ko hi-hindi ko mahanap," hirap na sabi ko habang nakatayo parin ng deritso. I might die if I move. Darn! Hindi na mawari ang buong sistema ko. Gusto kong magpanic at sumigaw ng tulong pero hindi ko naman magawa kasi natatakot ako. Ayoko pang mamatay for goodness sake! Marami pa akong pangarap sa buhay and I want to succeed in achieving those dreams.

Kinuha niya ang bag ko. He even get my phone, my wallet...everything in my bag. Gusto kong maiyak kasi pati mga cards ko ay nasa wallet ko din. I don't have money anymore at hindi ko alam kung makakakuha agad ako ng panibagong card kasi hindi naman sa'kin nakapangalan ito kundi sa Mama ko. Kapag nalaman niyang ninakaw ito ay magagalit iyon or worst baka hindi na iyon magpadala pa sa'kin. Magiging kawawang asong ulol na naman ako kagaya ng dati.

"Ang susi akin na," sabi nito. Napapikit ako ng maramdaman kong medyo napadiin ang pagkakahawak niya sa kutsilyo. I gasped many times.

"W-wala po--manong maawa po kayo sa'kin," pagmamakawa ko dito as my tears fall down in my face. Natatakot na talaga ako at ni wala man lang tao dito sa parking lot. At ang mali ko pa ay dito pa'ko sa pinakasulok nagpark na alam ko namang hindi ito dinadaanan ng sasakyan.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon