+++++
It Ends
Kanina ko pa napapansin ang hindi pagkikibuan ni Phayne at Kristie sa mga lalaki. Panay ang iwas ng mga ito at kung kakausapin man sila ay agad silang lumalayo na parang may virus ang mga ito at natatakot silang mahawa. Si Bryan naman ay panay ang tingin sa akin na animo'y kailangan kong magkwento sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon sa mga tao. Ang katabi ko naman na si Dylan ay walang imik habang nakatingin sa kawalan, sobrang lalim ng iniisip. Kinalabit ko siya at agad naman siyang napatingin sa gawi ko.
"What?" he irritatingly said.
"Ligo tayo sa falls!" aya ko sa kanya. Biglang sumaya ang mukha nito at siya pa mismo ang naunang maglakad sa aming dalawa.
"Kayo?" I asked referring to my friends.
"Sige!"
Sumunod si Phayne at Kristie sa'kin samantalang nagpaiwan naman si Bryan sa mga lalaki. Iniwan namin sila doon sa bahay kubo hindi masyadong kalayuan sa paliliguan namin.
Pag-apak palang ng paa ko sa tubig ay agad ng may humila dito. Napatili ako ng todo dahil sa sobrang kaba.
"Walang hiya ka Dylan bitawan mo'ko!" sigaw ko sa kanya. Tawa naman ito ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin at akmang hahampasin ng bigla itong lumangoy palayo.
"Peste ka talaga!" I shouted. Natawa naman 'yong dalawa sa reaksiyon ko.
"Nanliligaw ba 'yan sa'yo Hex?" tanong ni Kristie sa'kin. Napangiwi ako dahil hindi naman nanliligaw 'yang mokong na'yon. Sadyang maharot lang siya.
"Hindi. Maharot lang talaga ang lalaking 'yan," sabi ko pero hindi sila naniwala sa sinabi ko. Napailing nalang ako at hinayaan sila sa iniisip nila.
Hinabol ko ang hinayupak na iyon sa malayo ng hindi niya namamalayan. Akala niya siguro hindi ko siya hahabulin dahil kinausap ako ng mga kaibigan ko. Pagkatapos ng ginawa niya sa'kin, akala niya ha.
"Huli ka!" sabi ko at dinamba ko siya sa kanyang likod. Sinabunutan ko siya habang nagpupumiglas ito.
"Bitaw, bitaw! Shit!"
Tawa ako ng tawa dahil sa kagaguhan niya. Napahinto lang ako ng lunurin niya ako. Hinampas ko siya sa ilalim ng tubig dahil sa ginawa niya. Hindi ako handa.
Nang makahon kaming dalawa ay kinurot ko siya.
"Walanghiya ka talaga!"
"It's your fault!" paninisi nito sabay ngising manyak. Nanliit 'yong mata ko dahil sa pananantsing niya. Hinampas ko ang kamay niyang kasalukuyang hinihimas ang tiyan ko.
"Gago!" mura ko dito. Tumawa ito ng pagkalakas-lakas.
"Joke lang! Hindi kita gagahasain, ang liit oh."
Para akong nainsulto sa sinabi niya. Tiningnan niya pa talaga ang dibdib ko. Manyak talaga!
"Tutusukin ko 'yan mata mo Dylan, umayos ka!" banta ko sa kanya. Hindi ko na gusto ang ginagawa niya.
"Yes, ma'am. Sorry po," he whispered. The huskiness of his voice gives me a small bumps in my skin. The way he said it, parang nang-aakit.
Nang-aakit ba talaga siya o naaakit lang talaga ako sa simpleng sinabi niya? But whatever it is, I don't like it. I floated backward as he leaned closer to me. Pero nagulat ako sa biglaang paghapit niya sa bewang ko. Hindi ako nakabwelo kaya napasubsob ako mismo sa dibdib niya. Nanlalaki ang mata ko nang niyakap niya ako ng mahigpit at sabay bulong ng mga salitang nagpakunot sa noo ko.

BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...