++++
Bridge
Ilang beses akong paikot-ikot sa aking kama dahil hindi ako makatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay ang eksenang iyon ang nagrereplay sa utak ko. Masaya ako at hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin ni Cadris pero nasasaktan ako dahil pakiramdam ko, isa akong malanding babae.
Dain touched me first at sa mga sumunod na araw ay si Cadris naman. Pakiramdam ko ay binaboy ko ang katawan ko sa dalawang lalaking gumalaw sa'kin. Hindi ko alam but I felt disappointed with myself.
Para bang may mali sa ginawa ko. Sobrang mali na nagi-guilty ako. Na ngayon ay hindi ako makatulog kasi iniisip kong may nagawan akong kasalanan. Siguro iniisip ko ang kalagayan ni Erika? I don't know. Basta nagi-guilty lang ako.
Gabi na nang biglang may kumatok sa kwarto ko. I am hesitant to open the door but I decided to get up to let Craig in. Nangunot 'yong noo ko nang makita ang hawak nitong beer. Itinaas pa niya ito sa harapan ko na parang hindi ko nakita ang hawak niya.
"Inom tayo," sabi niya.
Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya sa baba. I closed the door before I left my room. Naabutan ko siyang binubuksan ang isang beer na sa tingin ko ay ibibigay niya sa akin.
"May problema?" I asked him because it's seems he has this big problem. Hindi naman niya kasi ako yayayain kung wala siyang may dinadala ngayon.
"I don't know what to do with Sushi."
Yeah right. Namomroblema siya sa binuntis niya. At hindi niya alam kung anong gagawin niya sa babaeng matigas din ang ulo. Napailing ako. May pinagmanahan din pala ang isang iyon. Magkapatid nga silang dalawa kasi parehong matigas ang ulo.
"Intindihin mo nalang. She's pregnant that is why she was acting like that," sabi ko dito kasi ganoon naman iyong mga buntis, mainitin at matitigas ang ulo.
"Still. Nasubrahan yata siya. She always kick my ass off away every time I dared to touch her."
Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Iniimagine ko palang na sinisipa siya palayo ni Sushi ay nakakatawa na. Sa wakas, nakaharap niya rin ang katapat niya.
"You have no choice but to understand her mood swings."
Tinungga ko ang bote sa harapan ko at napailing dahil sa init na naramdaman ko sa aking lalamunan. Damn!
"What about you? Okay ba ang plano mo?" I shrugged. "I don't have any exact plan Craig. I just go with the flow," I said to him.
Totoo naman iyong sinabi ko. Wala akong plano, ang gusto ko lang ay mapasaakin muli si Cadris. Pero wala akong ginawang plano na dapat ganito ang gawin ko at dapat ganyan. Wala, seryoso ako.
"Pero hindi mo ba inisip na sumuko nalang?"
I smiled bitterly.
"Gusto kong sumuko pero ayaw ng puso ko. Alam mo naman ang hirap kalabanin ang puso diba?" sabi ko sa kanya. Napailing ito sa sagot ko. Well, I cannot blame him. Medyo may pagkatanga naman kasi ang sagot ko kasi pinairal ko ng husto ang puso ko hindi ang utak ko.
BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...