Chapter 21

276 20 0
                                    

+++++

Contact

Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa hita ko. Agad akong napabangon ng makita ang isang lalaking hindi ko kilala na kasalukuyang nakangisi sa'kin. Nanginginig ang buong katawan ko habang palayo sa kanya. Ramdam ko rin ang hapdi ng sugat ko sa aking ulo at pamamaga ng pisnge ko dahil sa sampal na natamo ko.

"S-Sino ka?" nauutal na saad ko at hinawakan ng mabuti ang damit ko.

Kinakabahan ako sa maaari niyang gawin sa'kin. He is like a psychopath in my eyes. He was grinning from ear to ear and I am very sure that he is a dangerous man. Sa mukha palang nito na puno ng balbas at ang mga mata na nito mismo ang nagsasabi na, beware of him.

"Oh sweetheart," sabi nito sa malambing na tono.

Agad kong niyakap ang sarili ko at dinikdik sa dingding nang akmang hahawakan niya ako. Natatakot ako sa kanya. Baka saktan niya ako at baka hindi lang iyon ang gawin niya sa'kin.

"P-Please I'm begging, pakawalan niyo po ako dito."

Humalakhak ito dahilan para umecho sa buong silid na pinaglagyan sa akin. Hinawakan niya ang baba ko at nakita kong umigting ang panga nito.

"Malaki ang utang ng Nanay mo sa'kin!" he shouted so loud before he stand up straight. Pakiramdam ko ay mababasag ang eardrums ko. Napapikit ako habang humihikbi, nang ilang beses itong nagmura.

I don't know what to do anymore. I can't escape in this kind of situation. I am damn scared that they might kill me or use me.

"Alam mo ba kung ilang bilyong piso ang tinangay ng Nanay mo sa'kin ha?!" sigaw nito ulit sabay hawak sa pisnge ko ng mahigpit.

Napadaing ako. Masakit ang pagkakahawak nito lalo pa at bumabaon ang mga kuko nito sa pisnge ko.

Gusto ko man siyang bigyan ng gulat na ekspresyon ay hindi ko magawa dahil nanaig sa aking sistema ang sakit at takot. Kahit anong iyak ang gawin ko ay baliwala. Kahit anong takot ang ipakita ko sa kanya ay wala paring silbi.

Wala siyang pakealam! All he want to do is to hurt me and say nonsense things that I don't understand! Wala akong kinalaman sa nangyayari pero heto ako ngayon nadadamay at nasasaktan sa ginawa ng Mama ko.

"Wala akong alam sa sinasabi mo!" I yelled.

And I hate my mother for making me miserable like this. This is all her fault! Alam kong may kasalanan ako sa kanya dahil ako ang dahilan ng pagkawala ni Papa pero isn't this too much? Dapat ba sobra pa dito ang maranasan ko? Kaya niya ba ito ginawa sa mga sindikatong ito para masaktan ako? Alam niyang masasamang tao ang pinagkaisahan niya but then she didn't bother to think twice to steal those money!

At kung mali ako sa mga iniisip ko, diba dapat winarningan niya na ako? If she cared for me, sana noon palang ay sinabihan niya na ako. Pero kasi hindi eh! Alam niyang sindikato ito, at paniguradong maghihigante sila but she doesn't care! She just care for herself! She's selfish! Katulad parin siya ng dati.

"Really? Well, I don't care. You need to pay for her debts sweetheart," he gently said.

Tinabig ko ang kamay nito sa pisnge ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Wala akong kinalaman sa kinuha ni Mama sa kanila! Sana naman maintindihan nila iyon. Pero alam kong makikitid ang mga utak nila kaya wala akong magagawa.

I sniffed. Mas lalo ko pang dinikdik ang sarili ko sa dingding kahit na alam kung wala na akong maiaatras pa.

Ngumise ito na parang sayang-saya siya sa naiisip niya. At ngayon palang natatakot na'ko.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon