Chapter 22

307 19 0
                                    

+++++

Ready to Fall

Hindi magkamayaw ang dagundong ng puso ko habang papalapit kami sa Auction Hall, ang lugar kung saan gaganapin ang bidding. Bitbit kami ng mga nakauniporming lalaki na may pulang suot sa loob at naka shades. At natatandaan ko ang sinabi ni Van, hindi sila basta-bastang tao. At hindi sila gaano kadaling patumbahin kaya nag-iingat kaming lima sa mga gagawin namin. Mahirap na baka saktan nila kami, kaya kailangan naming mag-ingat sa kanila. Mga wala silang respeto sa babae. Wala silang paki kung masaktan kaman o ano basta tumahimik kalang. Napakasama nilang tao at hindi sila nababagay sa mundong ito.

Huminto kami sa isang kwarto at pinapasok nila kami doon. Sinarado nila ang pinto at paniguradong nilock kami dito para hindi kami makalabas. Napakagat ako sa labi ko habang tinitingnan ang sarili ko sa malaking salamin. Parang dance studio lang ang kwarto dahil may malaking salamin sa harapan namin at kitang-kita ang bawat galaw mo.

Pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan ko. I am wearing a color black two piece with a stiletto. Kita na halos ang kaluluwa ko dahil sa suot naming lima at alam kong parte ito ng bidding para maengganyo nila ang mayayamang negosyante na bilhin kami at gawing alipin. From the very start, this was their plan, so they will do everything to make it possible.

"Shit! Paano kung pumalpak tayo?" rinig kong sabi ni Karms.

Napatingin ako sa gawi nila at sobrang seryoso nang usapan nilang apat. Iyong tipong walang pweding makaistorbo sa usapan nila. Napatingin sila sa gawi ko habang nakakunot ang noo. Tinawag ako ni Kath kaya lumapit ako.

"Anong meron?" I asked.

"Wala naman Hex. Basta ang plano ha? Dapat hindi tayo pumalpak. Ang importante lang dito ay makalaya tayo, iyon lang," paalala ni Haze sa amin kaya tumango kami.

There's no way in hell that I will stay in this place. We can abscond, and I am pretty sure that we can do that.

Magsasalita na sana ulit ito ng biglang bumukas 'yong pinto. Napatingin kaming lima doon at malalaki ang hakbang na ginawa nila para makalapit sa amin. Agad akong pinusasan ng lalaking may kulay pula na buhok. Gustuhin ko mang magpumiglas ay hindi ko magawa dahil naalala ko 'yong plano namin. Just this time, I'll try to control my emotions.

"Shit!"

Napadaing ako ng tinulak niya ako ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Wala akong makita ni anino dahil sobrang dilim ng lugar na pinuntahan namin. Hindi ko alam kung bakit ganito. Kung ganitong walang ilaw, tiyak na mabubulilyaso ang plano namin.

Napaayos ako ng upo at ininda ang sakit ng aking nararamdaman. Narinig ko rin ang mga daing ng mga kasamahan ko kasabay no'n ang pagkalabog ng kung anumang bagay. Siguro, katulad ko rin ay tinulak rin sila. Pero hindi ko alam kung saan banda dahil wala naman akong makita.

"Lintik!" I heard Karms muttered, and I knew it's her.

"Black out," someone said and I couldn't determine who it was.

While thinking, someone grab my wrist in a manner of gripping it tightly. I groaned in so much pain because the handcuff in my wrist buried in my skin. I slightly open my mouth to take a deep breath. I need to calm myself in order not to ruin the situation and also not to get in trouble. I need to be calm even if I cannot handle the pain anymore. I want to get out in this place. I can't stay her any longer.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon