+++++
Misunderstanding
Pagmulat ko ng mata ay mukha agad ni Cadris ang bumungad sa'kin. He was intently looking at me as if I was a precious gem. Bigla akong nakaramdam ng hiya so I averted my gaze somewhere else para lang makaiwas sa mga tingin niya. I can't look at him straightly in his eyes. Natatakot ako and at the same nahihiya. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Bumangon ako sa aking hinihigaan para sana mag-ayos ng sarili pero nagulat ako ng biglang hilahin ni Cadris ang kamay ko dahilan para mapaupo ako pabalik sa kama. Napatili ako ng wala sa oras dahil sa sobrang gulat.
"Cadris!"
He smirked. "Not so fast Angel," bulong nito dahilan para kilabutan ako.
Nagpanik ang sistema ko dahil naalala ko ang mga sinabi niya kanina. Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos habang kinukuha ko ang kamay ko sa mga kapit niya. Sa sobrang hila ko ay ako pa mismo ang napahiga sa kama. At sa pagkakataong iyon, hindi na'ko pinakawalan pa ni Cadris.
Inipit niya ako gamit ang kanyang mga binti. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko para hindi ako makapanlaban sa kanya at manatili ang mukha ko malapit sa mukha niya. Tiningnan ko siya ng masama dahil sa pagkukulong na ginawa niya.
"Anong ginagawa mo?!"
"Claiming my property," he said.
"I am not your property!" sigaw ko pabalik. Erika is your property not me Cadris.
"Who told you?"
"Sino pa ba? Syempre ako! Hindi mo ako pag-aari Cadris!"
Inilapit nito ang mukha sa'kin dahilan para mailang ako ng husto. Sinubukan kong makawala sa kanya pero masyado siyang malakas at mabigat para makalaya sa kanya.
"Cadris ano ba! Baka magalit si Erika kapag nalaman niya 'to!" sabi ko. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng sabihin ko iyon. Anong maganda sa sinabi ko at nakuha niya pang ngumite? Dapat ay bumitaw na siya diba? Dapat siyang matakot dahil baka maghiwalay sila ni Erika sa ginagawa niya.
"Erika won't mind."
I laughed sarcastically.
"Really? So okay lang sa kanya na mambabae ka?" sumbat ko sa kanya. Umiling ito na parang pinaglalaruan ako.
"Erika won't mind kasi hindi naman kami kasal," sabi niya dahilan para matigilan ako ng ilang segundo. Napakurap-kurap ako at ilang minuto pinroseso sa utak ko ang sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Hindi sila kasal ni Erika? Pero diba ikakasal na sila noong umalis ako?
"Hindi natuloy?" nagawa ko pang magtanong.
Nakangiting binitawan niya ako at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa aking labi. At napamura ako ng maalala kong hindi pa pala ako nakakapag-toothbrush, shit! Panay ang salita ko kanina pa tapos ang baho pala ng hininga ko! Damn. Bigla akong nakaramdam ng hiya at piniling itikom ang bibig ko. I didn't dare to open my mouth again. Baka maamoy niya ang mabahong hininga ko.
"Hindi natuloy kasi hindi naman dapat. Erika was testing you. She said, she loves me but I don't believe her because I knew from the very start whom she loved. She lied, yes, I am not the father of her child."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. I don't believe him. I accusingly looking at him. Paano kung nagsisinungaling lang siya?
"You don't believe me?" may bahid ng pagkadismayang sabi niya. Hindi ako nagsalita at nanatiling walang sinabi.
BINABASA MO ANG
Preying Her
ActionHexa Louise Mabaquiao, was stuck in the past. She was afraid to risk that she might lose again. She became a useless person way back after Cadris Ford Montenegro left her. And now that he's pursuing her, she doesn' t know what to do because he is to...