Chapter 38

275 20 1
                                    

++++

First

Naramdaman ko ang pagkirot ng katawan ko pagkagising ko. And I felt like I have been broke into two. Ang pakiramdam na masakit na ang ulo, masakit din ang bandang ibaba ko.

Hindi ko masyadong maalala ang nangyari kagabi pero alam kong may nangyari sa aming dalawa. Ang bakas ng marka sa aking hinihigaan at ang pagkirot ng katawan ko ay patunay na ito.

Sinubukan kong bumangon pero nanghihina ang buong katawan ko. Para akong tinorture na hindi naman talaga. Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko ngayon. Pinaghalong sakit at saya. Ang sakit dahil pagkagising ko ako nalang ang mag-isa at ni hindi man lang niya ako ginising o hinintay. Ang saya dahil may nangyari sa aming dalawa at least alam kong may pagmamahal parin siyang natitira.

Napako ang tingin ko sa taong lumabas ng banyo. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Biglang kumirot ang ulo ko. Damn! No!

"Gising ka na pala."

Nanuyo ang lalamunan ko ng makita ang pagngisi nito. Parang gusto ko ngayong magwala. Ang naramdaman ko kaninang saya ay bigla na lamang napawi pagkakakita ko sa lalaking ito. No, it can't be. Kahit lasing ako kagabi alam kong si Cadris iyon pero bakit ganito? Bakit ibang tao ang bumungad sa kwartong ito?

"I'm sorry last night. Hindi ko sinasadyang galawin ka. You were drunk and---"

"DAMN YOU!" I shrieked. Bigla nalang nag-unahan ang luha sa mga mata ko. I didn't expect this to happen. Siya na kaibigan ni Cadris ay nagawa niyang gawin ito sa'kin.

Nag-iwas ito ng tingin. And guilt was all over his face. Lalo akong nainis dahil sa katotohanang sumampal sa'kin. Hindi ako makapaniwala at ayokong maniwala. Alam kong si Cadris ang kasama ko kagabi.

"I'm sorry Hex."

"Gago ka Dain! Gago ka!" sigaw ko at kahit masakit ang katawan ko ay nagawa kong tumayo para lang sampalin siya. Hindi ko aakalain na magagawa niya sa'kin ito. For twenty three years! I reserve this for the one I loved but I wasted it to this man in front of me! Ang gaga ko, ang tanga ko at ang bobo ko!

"I'm sorry Hex. I just wanted to bring you home but you said you want me--"

I slapped him again. Hindi ko sinabi iyon. Alam kong hindi ko sinabi iyon.

"LIAR!" I slapped him again and this time may kasama ng suntok. Sinuntok ko siya sa kanyang mukha at mabilis na lumabas ng silid na iyon. Wala akong paki kung nakaboxer lang ako at long sleeved niya. I just want to get out in that damn room.

Umiiyak ako habang tumatakbo palayo. Ang sakit, pakshit lang. Para akong pinagkaisahan ng utak ko. Akala ko si Cadris ang nakasama ko kagabi pero hindi pala. I thought it was him. I thought I was not imagining pero mali ako. Maling-mali ako.

Umuwi ako ng bahay ng walang Craig na bumungad sa akin. Lalong nanikip ang dibdib ko dahil gusto ko ng may malalabasan ng sama ng loob. Napahagulgol ako sa aking kwarto at umiyak buong magdamag. Kahit sa pagligo at pagkain ko ay umiiyak ako. Hindi ko alam pero ang sama-sama ng loob ko. I felt disappointed and devastated to myself. Dahil nagpakagaga ako sa isang gabing iyon sa isiping hindi naman pala iyong ang lalaking mahal ko.

Nakatulugan ko ang pag-iyak buong gabi. Paggising ko ay wala paring Craig na nagpakita sa'kin. Lalong nanikip ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay mag-isa lang ako. My heart was aching, my body was aching and I feel like I am loosing my mind.

Napahawak ako sa tiyan ko ng tumunog ito. Tunog ng tunog na animoy parang kidlat. Tapos bigla nalang pumasok sa isip ko, paano kung mabuntis ako? Anong mangyayari sa gusto kong mangyari? Mawawala nalang ng parang bula?

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon