Chapter 24

297 23 0
                                        

+++++

Make you crazy

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Vios habang nakatingin kay Tita Loisa, kapatid ni Mama sa ama. Nakangisi ito na para bang nanalo siya sa lotto. At alam kong may pinaplano na naman siyang masama sa'kin kaya ganyan nalang siya makangisi.

Pansin ko rin ang pag-igting ng panga ni Vios habang nakatingin sa mga lalaking kasama ni Tita. Nakasuit na naman ang mga ito at ngayon wala na silang shades na suot. They were all grinning from ear to ear. May isa pa sa kanilang pinapatunog ang mga daliri na parang read'ng ready na pakipag-away.

"Vios..." tawag ko sa atensiyon niya. I want to run away from them. Siguro naman mabilis siyang tumakbo diba? At hindi naman sila gaanong marami ngayon. Siguro mga nasa labing tatlo. Kaya naman namin sigurong takasan sila?

"Sumama ka nalang sa'min kung ayaw mong masaktan," Tita Loisa said.

I shook my head. No, ayokong sumama sa kanila. Kung kakailanganing tumakbo ay tatakbo ako para lang makatakas sa kanila.

"Ang sabi mo---"

Hindi pa natatapos ni Vios ang sasabihin niya ng biglang magsalita si Tita.

"Well, nagpauto ka iho."

Malutong na napamura si Vios at itinago ako sa kanyang likod. I'm trying to control my tears but hell I can't stop them from falling. I'm fucking scared right now. They'll hurt me for sure kung hindi kami aalis dito.

"Sorry," I heard him said.

"No, it's not your fault. Hindi mo naman alam," I said to him.

Napaatras kaming dalawa ng humakbang sila papalapit sa'min.

"Pagbilang ko ng tatlo, takbo tayo," bulong ni Vios sa'kin na agaran ko namang sinagot ng oo, pero pabulong din. Mahirap ng marinig nila ang pinag-uusapan namin dahil tiyak na uunahan nila kami sa plano namin.

"My dear niece... sumama ka nalang. They won't hurt you, I promise."

I shook my head again. They won't hurt me, really? I want to laugh hard in front of her. Nagpapatawa ba siya? Seryoso ba siya? Kung hindi lang masama ang murahin ang tiyahin mo ay ginawa ko na kaso may natitira pa akong respeto sa sarili ko at sa kanya. Pasalamat lang talaga siya at hindi ako katulad ng mga pamangkin niyang minumura-mura siya na parang walang pinag-aralan. I still have manners kaya hindi na ako nagsasalita pa ng gaano dahil baka ano lang ang masabi ko sa kanya.

"Isa."

Naging alerto ako ng magsimulang magbilang si Vios. Ganoon parin ang ekspresyon na ipinakita ko para hindi halatang may pinaplano kaming tumakas.

Nakangisi parin si Tita sa'kin habang nakataas ang kaliwang kilay. Ang straight at mahaba nitong buhok ay nagpapakita lang kung gaano kahaba ang kanyang sungay.

"Dalawa."

"Oh come on Hexa!" sigaw ni Tita.

Napalunok ako ng laway ng humigpit ang hawak ni Vios sa pulsuhan ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko siyang tumango. Hinanda ko ang sarili ko at huminga ng malalim. Good thing, hindi sasakit ang paa ko at hindi ako mahihirapang tumakbo sa buhangin dahil naka tsinelas ako.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon