Chapter 4

495 42 17
                                    

++++

RIP

Maayos kong nililigpit ang mga gamit ko at nilagay iyon sa loob ng aking bag. Katatapos lang ng klase namin kay Mr. Tan sa Human Resourse. Well, discuss-discuss ng konti at pinalayas rin kami. Ito ang last subject ko ngayong hapon dahil wala naman kaming pasok kanina sa unang subject.

Napatingin ako kay Phayne and Kristie na kasalukuyan ding nagliligpit ng gamit nila. Si Bryan, heto nakanguso habang naghihintay sa aming tatlo. Ang bagal kasi naming gumalaw.

Naayos ko na ang lahat ng magtaka ako sa nginunguso ni Bryan. Sinundan ko ng tingin ang nguso niya at naglanding ito sa mga kaibigan ni Cadris. Maingay ang mga ito habang nagkukwentuhan. Tatambay na naman sila dito dahil tapos na ang klase.

"Bakit?" tanong ko dito ng bumuntong hininga ito. Alam ko na ang problema nito. Crush niya.

"Si Aljohn, may girlfriend na." Halos mangiyak ito habang sinasabi iyon. Napatingin ulit ako sa mga kaibigan ni Cadris. Okay lang na tumingin dahil wala naman siya. Siguro naunang umuwi, ewan, hindi ko alam.

Si Aljohn Bagaforo, ang crush niyang sobrang playboy. Kaya hindi na'ko nagreact ng sabihin niyang may girlfriend ito, no scratch that, bagong girlfriend pala. Sa lima sa kanila, siya itong matinik sa babae pero hindi naman ito ang pinakagwapo sa lahat. Alam naman kung sinong pinakagwapo, si Cadris, sino pa ba? May pinagbago ba? Wala!

Pumapangatlo lang sa akin si Aljohn dahil ang pumapangalawa ay si Dein Ang-lee. Ang chinito sa barkada na may kamukhang korean star. Crush ko ito noong una pero syempre ang crush minsan ding nawawala, hindi nagtatagal at napapalitan ng iba. Kung baga, naging crush of the month ko siya pagkatapos no'n wala na, move on na kasi meron ng pumalit.

Ang pumapang-apat sa'kin ay si Niel Falcon. Gwapo siya pero suplado kaya hindi ko rin masyadong naappreciate ang pagiging gwapo niya. Ewan ko ba at ang hilig niyang mangtaboy ng babae. He really hates girls. Parang sinusumpa niya kaming lahat. Really. Kung pwedi lang na patayin kami ay baka ginawa na niya. Ang sama kasi makatingin akala mo naman ang laki ng atraso namin sa kanya.

And lastly, the fifth one, Reizelle Navarro, the second cousin of Cadris Ford Montenegro. And obviously she's a lesbian. Tomboy na maganda na dinaig pa ang mukha naming mga kababaihan. Nasasayangan ako sa kanya dahil sobrang ganda nito. Pang model ang face, ang height at ang katawan super sexy. But anyways, kahit tomboy siya marami parin siyang manliligaw kaso ngalang sapak ang aabutin mo kapag binigyan mo siya ng flowers at chocolates. Napakabrutal nito and she's the cursing machine of the group. Wagas itong makapagmura sa mga lalaking naghahabol sa kanya.

"May bago pa ba doon? Araw-araw naman may girlfriend siya," inis na saad ni Kristie. Like me, she hates Aljohn to the bones dahil napaka-heart wrecking nito. I hate playboys you know. Dahil pinaglalaruan nila ang mga babae. Hindi naman kami isang laruan na pwedi mong apak-apakan kapag naiinis ka, na pwedi mong itapon kapag sawa kana. Nakakainis diba? Ang pinagkaiba lang namin ay kami may damdamin, ang mga laruan wala!

Bryan pouted his lips. "Eeh. Iba 'to. Mukhang seryoso siya kasi naka-three days sila ng babae."

Napataas iyong kilay ko at hindi ko alam kung matatawa ba ako. Three days? Three damn days? Seriously? Tatlong araw lang nagconclude agad siyang seryoso na ito sa babae? Wow ha! Nahiya naman ako do'n! Sa pagkakaalam ko, it takes more months or years to say that a man was seriously serious to a girl. Hindi 'yong days lang. Nakakaloka naman ang baklang ito. Kung makathree days akala mo naman ikakamatay ni Aljohn kapag nawala ang babae nito.

"Girl, tatlong araw palang. Wala pang buwan at taon na dumaan kaya huwag kang O.A diyan. And hello?! Gising-gising din pag may time kasi kahit sa panaginip mo, hindi ka papatulan niyan! Butas din ang hanap niyan hindi ka sparring lang!" sigaw ni Kristie na siyang nagpalingon sa mga pinag-uusapan namin.

Preying HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon